Patay ang 19 pasahero ng isang Russian military plane matapos itong bumagsak sa Siberia nitong Martes, Nobyembre 17.
Naitala ang pagbagsak ng isang An-12 aircraft sa kasagsagan ng scheduled flight nito sa isang uninhabited area sa Kemerovo region, Siberia, ayon sa ministry defense ng bansa.
Bagama’t kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad, ayon naman sa ministro, maaaring dulot ng teknikal isyu ang dahilan sa pagbagsak ng naturang eroplano.
Ani lokal na gobernador ng rehiyon, agarang inapula ng emergency response ang apoy mula sa crash site malapit sa nayon ng Yagunovo. Kinordonan na rin ng pulis ang lugar na pinagbagsakan ng eroplano.
Inimobalisa na rin ng lokal na pamahalaan ang isang helicopter at ilang mga kalapit na medical facilities para magbigay-gabay at lunas kung sakaling may mangailangan.
Hindi rin tukoy kung may iba pang kargamentong lulan ang naturang eroplano.
---
Dumating na sa Shenzhen, China si Russian President Vladimir Putin bandang alas-2:00 ng madaling-araw local time, batay sa ulat ng Chinese state media.
Mainit na sinalubong ang pangulo ng Russia ni Cai Qi, ang ikalimang pinakamataas na opisyal ng Chinese Communist Party at de facto chief of staff ni Chinese President Xi Jinping, kasabay ng pagmamartsa ng mga tropang Tsino at pagtatanghal ng mga mananayaw sa red carpet sa tarmac.
Nakatakdang dumalo si Putin sa pinakaaabangang kaganapan sa APEC summit, isang makasaysayang trilateral meeting kasama sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
Samantala, kasalukuyang nasa Pilipinas si Trump para sa unang yugto ng kaniyang high-profile trip sa Asya.
Sa mga inilabas na larawan, makikitang nakipagpulong ang Pangulo ng Estados Unidos kina Indian Prime Minister Narendra Modi, Australian Prime Minister Anthony Albanese, at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi.
Inaasahang tututok ang mga naturang pagpupulong sa mga usaping pang-seguridad, kalakalan, at katatagan sa rehiyon ng Indo-Pacific.