Skip to content

November 16 - 8am NEWS

November 16 - 8am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Nov 16, 2026 | 8:30 AM

Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pagsubok sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa Pilipinas dahil nataon ito kung kailan nabugbog ang mga member-country sa epekto ng krisis sa Middle East.

Ayon kay Pangulong Marcos, imbes na ikansela ang summit, nagdesisyon ang mga miyembro ng ituloy ito bilang “moment for ASEAN to come together.”

Aniya, walang member nation “has every resource, every capability, or every solution” para matapatan ang oportunidad at mga pagsubok ng rehiyon.

“When national capacities are tested, regional strength reinforces,” paliwanag pa ni Marcos.

“This year, we strengthened maritime cooperation and our response to trafficking, cybercrime, online scams, and other transnational threats,” pagbibida ng Pangulo sa mga member country.

Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng 49th ASEAN Summit nitong Linggo, sinabi ni Pangu¬long Marcos na ang 11 ASEAN members na may pagkakaiba ng laki, kasaysayan, at kultura ay nagsama-sama para sa shared journey ng rehiyon.

Samantala, inaasahang magle-level up na ang mga maliliit na nagnene¬gosyo at madadagdagan ang kita ng mga Pilipinong negosyante matapos buksan ng ASEAN ang pintuan sa digital triage sa buong Southeast Asia sa pamamagitan ng integras¬yon ng digital economy sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA).

Ang kasunduan ay nilagdaan sa sidelines ng 49th ASEAN Summit na tanda ng isang major economic milestones ng Pilipinas sa ASEAN Chairmanship.

***

Matapos ang makasaysayang pagkikita nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Brazilian President Luis Ina’cio Lula da Silva, inimbitahan naman ang Pangulo na bumisita sa Brazil para mas lalong palakasin ang ugnayan at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sa ginanap na bilateral meetin¬g ng dalawang lider, nabuksan ang oportunidad para sa kalakalan at pamumuhunan, at access sa expertise ng Brazil sa agrikultura at teknolohiya at mas malakas na kooperasyon.

Sinabi ni President Lula kay Pangulong Marcos na magdala ng malaking delegasyon ng mga negosyante sa kanyang pagbisita upang matukoy kung anong larangan sa kalakalan at pamumuhunan ang makakatulong para sa paglago ng ekonomiya ng dalawang bansa.

Umaasa si Pangulong Marcos Jr. na ang makasaysayang pagbisita sa bansa ng Brazilian President ay lalo pang magpapalalim sa ugnayan ng dalawang bansa at hinimok ang practical economic cooperation na pakikinabangan ng mga negosyo, manggagawa at consumers ng dalawang bansa.