Skip to content

November 16 -7am NEWS

November 16 -7am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Nov 16, 2026 | 7:30 AM

Pinag-iingat ng gobyerno ang mga Pilipinong nais magtrabaho sa abroad partikular sa Asya na huwag basta maniwala sa alok na visa-free entry para magtrabaho sa abroad.

Ang babala ay inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac matapos pagtibayin ng mga lider ng ASEAN ang Declaration on Fair, Ethical and Sustainable Recruitment for Empowered Migrant Workers sa 49th ASEAN Summit na ginaganap sa bansa.

Sinabi ni Cacdac sa press briefing sa International Media Center na walang masama sa visa-free system subalit kailangang bigyang-diin na ito ay para sa mga tu¬rista at hindi para sa mga may planong magtrabaho sa ibang bansa.

Ang visa-free entry ang ginagamit aniya ng mga sindikato ng human trafficking para maka-recruit at masadlak sa mga scam hubs sa ilang bansa sa Asya.

Sa kasalukuyan, ani Cacdac, ay mayroong halos 100 Pilipinong na-trap sa scam hubs sa Myanmar at minamanmanan ngayon ng mga awtoridad kasama ang Philippine embassy¬ sa Yangon. 

****FacebookInstagramWhatsAppTwitterTelegramMessengerViber

Tinabla ng Sandiganba¬yan Fifth Division ang apela ni Senador Jinggoy Estrada na ibasura ang ikalawang 90 araw na suspensiyon laban sa kanya.

Base sa mosyong inihain ni Estrada noong Oktubre 19, inireklamo nito na ang ikalawang preventive suspension laban sa kanya ay maituturing nang kaparusahan at hindi umano preventive measure.

Ngunit sa nilabas na resolusyon ng anti-graft court noong Nobyembre 10, ipinaliwanag nilang ang suspensiyon na ipinairal ng Second Division “is an independent determination of the validity of information filed against the senator; the service of suspension by the Second Court in the graft case does not dispense with the present plunder case; both graft and plunder cases are independent from one another; and his service of suspension could not prevent the court from performing its ministerial duty to place him under preventive suspension.”

Malugod namang tinanggap ng Office of the Ombudsman ang desisyon ng Sandiganbayan sa pagbasura ng apela ni Estrada sa ipinataw ng 90-day suspension.