Skip to content

November 14 - 7am NEWS

November 14 - 7am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Nov 14, 2025 | 9:01 AM
Tatlong kabataan ang nahaharap sa kaso matapos masaktan ang isang 66-anyos na lalaki nang tamaan ng ligaw na bala habang nakatayo sa labas ng kanyang bahay sa RM of Victoria noong Martes ng umaga.
Ayon sa RCMP, nangyari ang insidente bandang 10:45 a.m. sa Road 53 North. Ang biktima ay agad na dinala sa ospital na may tama sa braso at nakalabas din sa parehong araw.Batay sa imbestigasyon, ang bala ay nagmula sa grupo ng mga batang mangangaso sa kalapit na bukirin. Naaresto ng mga pulis ang tatlong suspek — isang 14-anyos na babae at dalawang lalaki na edad 16 at 17 — nang walang insidente.
Nahaharap sila sa mga kasong careless use of a firearm, discharging a firearm while being reckless, at assault with a weapon. Dagdag pa, ang 14-anyos at 16-anyos ay may kasong unauthorized possession of a firearm. Patuloy ang imbestigasyon ng RCMP.
**
Nag-develop ng AI-powered voice agent na tinawag na SARA (Smart Answering Road Assistant) ang  Canadian startup Hyper ay para tulungan ang police services sa pagtanggap at pag-handle ng non-emergency calls. Kasalukuyang pine-pilot ang system sa Halton Region sa Ontario at Winnipeg.
Ang SARA ay nagtatanong sa mga caller ng series ng short questions para matukoy kung ang inquiry ay puwedeng i-handle ng AI o kailangan i-transfer sa live operator. Pinapayuhan ang mga caller na magsalita ng buong pangungusap at huwag patigilin ang AI habang nagsasalita.
Ang Halton Regional Police ay gumagamit na ng SARA 24/7 simula Oktubre 2025, habang ang Winnipeg Police Service ay nagsimula sa ilang oras kada araw nitong summer at ngayon ay pinalawak na sa full-time use. Ang sistema ay inaasahang makakatipid sa oras at cost ng manpower ng police habang naisasagot pa rin ang mga routine inquiries ng publiko.
**
Dosenang  CFL cheerleaders ang muling maghahanda ng kanilang pom poms para sa Grey Cup Festival 2025 sa Winnipeg. Ayon sa Canadian Football Cheerleaders Alumni Organization (CFCAO), inaasahan nilang 70 sa kanilang 500 members ang dadalo sa Winnipeg by Thursday para sa performances sa Princess Auto Stadium. Ang mga performer ay nasa edad late 30s hanggang late 80s.   Bukod sa performances sa Grey Cup, gagawa rin sila ng appearances sa pancake breakfast at Santa Claus Parade.