Skip to content

November 11 - 8 am NEWS

November 11 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Nov 11, 2026 | 8:15 AM

Mahigit 300 domestic flights sa Metro Manila ang posibleng makansela o mabago ang iskedyul dahil sa ipatutupad na seguridad para sa ASEAN Summit 2026.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, maaaring pumili ang mga apektadong pasahero ng libreng rebooking, full refund o travel fund na magagamit sa susunod na biyahe.

Minimal naman aniya ang epekto sa international flights, bagama’t posible ang ilang pagkaantala.

Maglalagay naman ang Department of Transportation ng help desk sa NAIA, Clark at Mactan-Cebu airports upang tulungan ang mga pasahero.

Ayon kay Dizon, inaasahang magsisimulang dumating ang mga dayuhang delegado at pinuno ng bansa sa Nobyembre 14.

---

Makikipagpulong si US President Donald Trump sa Prime Minister ng Qatar na si Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al-Thani sa Washington upang talakayin ang posibleng pagwawakas ng digmaan sa Iran.

Gayunman, duda ang mga opisyal ng US at Gulf region na magkakaroon agad ng kasunduan sa kabila ng nagpapatuloy na diplomatikong pagsisikap. Mahigit walong buwan nang nagpapatuloy ang digmaan na inilunsad ng US at Israel laban sa Iran noong Pebrero 28.

Kabilang sa panukala ng Iran ang pagtigil ng US sa blockade sa mga pantalan nito, pagpapagaan ng ilang economic sanction at paghinto ng pambobomba kapalit ng pagbubukas ng Strait of Hormuz.

Gayunman, tinanggihan na ng Washington ang mga kondisyong ito.

Ayon kay US Secretary of State Marco Rubio, hindi makatotohanan ang panukala ng Tehran.

Samantala, sinabi ng mga opisyal na nagpapatuloy ang palitan ng pag-atake, kabilang ang pambobomba ng US sa Qeshm Island at pag-atake ng Iran sa mga tanker sa Gulf at Strait of Hormuz.