Skip to content

November 10 - 8 am NEWS

November 10 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Nov 10, 2026 | 9:18 AM

Aabot sa 11 katao ang nasawi matapos ang naganap na karambola ng mga sasakyan sa bansang Bulgaria.

Nangyari ang insidente sa Trakia motorway malapit sa Zinnistsa sa southeastern Bulgaria kung saan hindi bababa sa 20 sasakyan ang nagkabanggaan.

Sinabi ni Prime Minister Rumen Radev, na maaring dahil sa makapal na fog at madulas na kalsada kaya nangyari ang akisdente.

Nasa 50 katao rin ang sugatan sa aksidente na agad namang dinala ang mga ito sa iba’t-ibang pagamutan.

Dahil sa aksidente ay binawasan na ni European Commission President Ursula von der Leyen ang araw ng kaniyang pagbisita sa nasabing bansa.
Nagpaabot din ito pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawing biktima.

---

Kinumpirma ni US President Donald Trump na wala ng umanong balak pa ang US ng pag-atake sa Iran.

Sinabi ng US President na nagkakaroon na ng magandang paroroonan ang negosasyon para tuluyang matapos ang giyera sa Gitnang Silangan.

Dagdag pa nito na kasalukuyang nasa status quo muna ang nasabing desisyon na pag-atake.

Ang komento nito na Trump ay matapos ang pakikipagpulong niya sa prime minister ng Qatar.

Ang Qatar kasi ay kaalyado ng US sa Gulf region at kalapit na bansa ng Iran.

Naging pangunahing papel ng Qatar ang pagiging mediator para tuluyang matapos ang giyera.

Paglilinaw naman ni Trump na laging nakahanda o tinawag niyang “Lock and Loaded” sakaling magkaroon ng pagbabago.

Hindi muna napapanahon na magdeklara ang US ng pagtatapos ng giyera sa Iran dahil may ilang bansa sa Gitnamng Silangan ang makakaranas ng pagiging agresibo ng Iran.

Maguguntang bumisita sa White House si Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdul Rahman Al Thani kung saan naging maganda ang usapin ng dalawang opisyal para tuluyang matapos na ang giyera sa Gitnang Silangan.