Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan.
Ayon sa huling ulat ng DSWD, umabot na sa higit ?317 milyon ang halaga ng tulong na naibigay ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan.
Nakapagpamahagi rin sila ng ?752,000 na tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa ipinadala ng DSWD ang 494,416 na family food packs, 17,380 ready-to-eat food packs, at 15,000 non-food items tulad ng hygiene kits at sleeping kits.
Tinatayang 1.7 milyong pamilya o mahigit anim na milyong katao ang naapektuhan ng dalawang bagyo.
Sa ngayon, may 289,000 pamilya pa rin ang nasa evacuation center dahil sa patuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig sa ilang lugar.
----
Bilang tugon sa mga miyembro at pensioner na labis na naapektuhan ng pananalasa ng mga bagyo, magpapatupad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng 3-month grace period (moratorium) sa pagbabayad ng emergency loans.
Ibig sabihin, hindi muna kailangang magbayad sa loob ng tatlong buwan upang mabigyan ang mga miyembro at pensioner ng panahon na makabawi, makarekober, at muling makapagsimula nang hindi agad nabibigatan sa mga bayarin.
Layunin ng GSIS na maibsan ang pinansyal na pasanin ng mga apektadong miyembro at pensioner habang unti-unting bumabangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad. Sa panahong ito ng pagsubok, nananatiling matatag na katuwang ng mga lingkod-bayan at retirado ang GSIS sa kanilang pagbangon at muling pag-asenso.
Schedule ng Pagbabayad: Mga loan sa November 2025 - unang bayad sa April 10, 2026; loan sa December 2025 - unang bayad sa May 10, 2026; loan sa January 2026 - unang bayad sa July 10, 2026; loan sa February 2026 - unang bayad sa August 10, 2026.
Bukas ang GSIS Emergency Loan Program mula Nobyembre 7, 2025 hanggang Pebrero 7, 2026.
Maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong miyembro at pensioner sa GSIS website, GSIS Touch mobile app, o sa pinakamalapit na GSIS branch.
----
Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad simulan ang rehabili¬tasyon sa mga nasirang kalsada at tulay upang hindi maantala ang pagpapadala ng tulong ng National go¬vernment sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon “Uwan”.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, pinangunahan ng Pangulo nitong Lunes ng umaga ang situation briefing sa Operations Center ng Presidential Security Command sa Malacañang at nag-ulat sa kanya ang mga opisyal ng Office of Civil Defense sa sitwasyon ng mga bina¬hang lugar sa bansa.
Batay sa datos na ibi¬nigay sa Pangulo, mayroong 71 mga kalsada ang hindi pa madaanan dahil sa epekto ng bagyo kabilang na ang mga nasa Central Luzon at Cordillera Administrative Region – partikular na sa Mountain Province, Bengue¬t at Apayao.
“Agad umaksiyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ilang oras matapos mag-landfall ang Super Typhoon ‘Uwan’ sa Dinalungan, Aurora noong linggo ng gabi,” ani Castro.
Ayon kay Castro, sa Bicol Region naitala ang may pinakamaraming bilang ng evacuees matapos umabot sa 100,050 na mga pamilya ang naapektuhan ng bagyo habang sa Camarines Sur ay uma¬bot naman sa 44,000 pamilya ang nailikas at nasa mahigit 20,000 na pamilya naman ang naapektuhan sa lalawigan ng Quezon at Calabarzon.