Skip to content

May 4 - 7 am NEWS

May 4 - 7 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
May 04, 2026 | 7:30 AM
Maraming Canadians ang naglilimita o kinansela ang kanilang summer road trips dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ayon sa survey, 66% ng Canadian drivers ang nagplano na bawasan o kanselahin ang road trips ngayong summer, habang 68% naman ang hindi na balak tumawid papuntang U.S.
Sa gitna nito, umaasa ang ilang negosyo na kahit maiikling road trips o day trips ay patuloy na gagawin ng mga Canadians upang hindi tuluyang bumagsak ang customer traffic.
**
Pagkatunaw ng snow ngayong spring, natuklasan ng ilang homeowners sa Winnipeg ang malawak na pinsala sa kanilang mga damuhan dahil sa mga butas na likha ng daga--  na nag-aktividad sa ilalim ng lupa noong winter.
Ayon sa mga lawn care at pest control experts, karaniwan ang ganitong problema sa lungsod at “wala raw immune” sa vole infestation. Ang mga voles ay parang daga pero hindi pumapasok sa bahay; sa halip, gumagawa sila ng tunnels sa ilalim ng snow at kumakain ng damo.
Ilan sa nakitang damage ay maliliit na butas sa damuhan at patchy o sirang grass na ikinabahala ng homeowners. Sabi ng experts, kayang bumalik ang grass sa tamang pag-aalaga tulad ng regular watering, pero mas mainam ang prevention bago dumating ang winter.
Pinapayuhan din na mag-trim ng damo nang mas maiksi at maglagay ng traps sa fall season para maiwasan ang matinding pinsala sa susunod na winter.