Skip to content

May 29 - 8am NEWS

May 29 - 8am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
May 29, 2026 | 8:30 AM

Tinukuran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang minority senators na tutol sa iginigiit na online o remote voting para makaboto ang mga senador na hindi makadalo sa sesyon ng Senado.

Ayon sa Pangulo, wala siyang makitang magandang dahilan para payagan ang online voting dahil ang makikinabang lamang dito ay si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Para sa isang katulad aniya ni Dela Rosa na pugante na sa batas at pinaghahanap ng mga awtoridad at Interpol dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court, hindi na dapat pang bumoto ito, bagkus ay kailangang magpakita sa Senado.

********

Sigurado na ang isang boto ng Pilipinas para sa hinahangad na non-permanent seat sa United Nations (UN) Security Council sa magaganap na botohan sa susunod na buwan.

Ito ay matapos ipahayag ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi na susuportahan nito ang Pilipinas para sa hinahangad na puwesto sa UN.

Kasama sa misyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang state visit na makuha ang suporta ng Japan para sa non-permanent seat ng Pilipinas sa Security Council.

Matatandaang sa bawat pagkakataon na makaharap o makasama ng Pangulo ang mga lider ng bansa sa Asya ay hinihingi nito ang kanilang suporta at boto para sa UN bid.