Skip to content

May 29 -6am NEWS

May 29 -6am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
May 29, 2026 | 6:30 AM

Inanunsyo ni Senate President Alan Peter Cayetano ang pagbuo ng Blue Ribbon Subcommittee na tututok sa imbestigasyon ng umano’y multibillion-peso Flood Control Scandal.

Pamumunuan ito ni Sen. Rodante Marcoleta, kasabay ng mas malawak na reorganisasyon ng Blue Ribbon Committee matapos ang pagbabago sa liderato ng Senado.

Ang hakbang ay dumating sa gitna ng kontrobersya matapos magrekomenda ang Department of Justice (DOJ) ng plunder at graft charges laban kay Sen. Jinggoy Estrada at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kaugnay ng mga iregularidad sa flood control projects.

Binatikos ng ilang political analysts ang bagong komposisyon ng Blue Ribbon Committee, na umano’y maaaring magpahina sa kredibilidad ng mga imbestigasyon.

****

Naglabas ng warrant of arrest at hold departure orders ang Sandiganbayan Second Division laban kay Senador Jinggoy Estrada.

Maging kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, at ilang dating opisyal ng DPWH-NCR kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa umano’y flood control kickback scheme.

Pinamumunuan ni Presiding Justice Geraldine Econg ang Second Division na humahawak sa kaso ni Estrada.

Kabilang sa mga co-respondents na pinatawan ng parehong kautusan sina Engr. Denryl Cortuna, Engr. Arturo Gonzales, Jr., at Engr. Manny Bulosan.

Lalo pang lumakas ang Bagyong Domeng habang nananatili sa silangan ng Pilipinas.

Ayon sa pinakahuling datos, ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 1,120 kilometro silangan ng Central Luzon.

Kumikilos ito sa direksyong West Northwestward sa bilis na 10 km/h.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 85 km/h malapit sa sentro at pagbugso ng hangin na umaabot sa 105 km/h.

Bagama’t wala pang direktang epekto sa kalupaan ng bansa, patuloy na binabantayan ng mga eksperto ang galaw ng bagyo dahil maaari itong magdala ng malalakas na ulan at hangin sa mga susunod na araw.