Karagdagang mga oportunidad at partnership para sa mga Pilipino ang nilagdaan sa state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Japan.
Layon ng mga nilagdaang kasunduan na palawakin ang kooperasyon sa digital finance, smart ci¬ties, imprastraktura at iba pang makakatulong para sa hanapbuhay ng mga Pilipino.
Kabilang sa mga nilagdaang memorandum of understanding na sinaksihan ng Pangulo sa pagitan ng mga business leaders ng Pilipinas at Japan ay may kinalaman sa digital finance, connectivity, smart technology, artificial intelligence at data systems at digital services.
Nangangahulugan ito ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, mas magandang connectivity, mas matatag na mga imprastraktura at mas mara¬ming oportunidad sa mga Pilipino.
Kabilang sa mga kompanyang lumagda ng partnerships ay ang Ayala Group at mga nangungunang kompan¬ya sa Tokyo, tulad ng Mitsubishi Corporation, MUFG Bank at KDFI corporation. (Aileen Taliping)
---
Hinimok ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga barangay na pangunahan ang kampanya kontra sa kamangmangan sa kani-kanilang lugar na mahalaga upang maputol ang kahirapan sa bansa.
Sa isang video message para sa mga kalahok ng National Convention ng Liga ng mga Barangay nitong Huwebes, sinabi ni Dy na ang temang “Zero Illiteracy — One Barangay at a Time” ay nagpapakita ng mahalagang papel ng mga barangay sa pagtiyak na ang bawat Pilipino ay may nakakapag-aral na makatutulong sa pagkakaroon ng magandang buhay.
“Ang mensahe ng temang ito ay napakalalim dahil ang laban kontra illiteracy ay hindi lamang kampanya para sa edukasyon. Ito ay kampanya para magbigay ng oportunidad, kabuhayan at dignidad. Ito ay laban para sa kinabukasan ng ating bansa,” sabi ni Dy.
“Kapag ang bata ay hindi marunong bumasa, may pangarap na mas nahihirapang makamit. Kapag ang kapwa natin ay hindi nakauunawa ng mga dokumento, impormasyon o aplikasyon, mas nagiging mahirap para sa kanila na makahanap ng trabaho, makakuha ng serbisyo o umasenso sa buhay,” dagdag pa nito. (Billy Begas)