Skip to content

May 27 - 6 am NEWS

May 27 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
May 27, 2026 | 8:00 AM

Binisita ni Department of Labor and Employment (DOLE) Acting Secretary Francis Tolentino ang lugar kung saan naganap ang nine-storey na gusali sa Angeles, Pampanga.
Ayon sa kalihim na layon ng nasabing inspeksyon ay para malaman kung mayroong paglabag sa labor conditions ng mga construction workers.
Una ng sinabi ng regional Labor Office doon na noong Setyembre 2024 ay ipinasara na ang nasabing construction site dahil sa nakitaan ito ng mga paglabag.
Ilan sa mga nakitang paglabag ay ang kawalan ng ‘safety gears’ na maglalagay sa panganib ang mga construction workers.
Matapos ang isang buwan ay muling nagpatuloy ang constructions matapos na mag-comply ang contractor.
 
Hiniling ng Department of Justice (DOJ) kay singer-lawyer Jimmy Bondoc na ibigay na ang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na may umiiral na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa DOJ, iniutos ni Justice Secretary Frederick Vida ang pag-iisyu ng letter request kay Bondoc, na nagsisilbing legal counsel ni Dela Rosa, upang ilahad ang anumang impormasyong hawak niya o maaaring makatulong sa pagtukoy sa lokasyon ng kanyang kliyente.
Binigyang-diin din ng kalihim na ang attorney-client privilege ay hindi maaaring gamiting dahilan upang hindi makipagtulungan sa mga legal na proseso, lalo na kung may kinalaman sa pagharang sa hustisya o pagkanlong sa mga taong pinaghahanap ng batas.
 
**
 
Tinututukan ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpaparami ng active transport facilities sa bansa, kabilang ang pagtatayo ng mas maraming bicycle lanes, upang mabawasan ang mga insidente ng road crash.
Sa isang road safety summit na ginanap sa Pasig City, sinabi ni DOTr Director IV Joshua Rodriguez na isa sa pangunahing programa ng ahensya ang active transport project na nakatuon sa pagdagdag ng Class 1 bike lanes para sa publiko.
Ipinaliwanag ni Rodriguez na may iba’t ibang uri ng bike lanes—Class 3 (shared lane), Class 2 (separated lane), at Class 1 na may harang sa pagitan ng siklista at mga sasakyang de-motor.
Giit pa ng opisyal, kabilang sa pinaka-vulnerable sa mga road crash ang mga gumagamit ng non-motorized transport at mga pedestrian, kaya mahalagang maprotektahan sila sa pamamagitan ng mas ligtas na imprastraktura.
 
**