Skip to content

May 25 - 7 am NEWS

May 25 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
May 25, 2026 | 9:01 AM

Kinondena ng College of Information Sciences Student Government ng Benguet State University ang pagkakatalaga kay Senador Joel Villanueva bilang chairman ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ng grupo na nakikiisa sila sa panawagan ng National Union of Students of the Philippines na kondenahin ang naturang appointment.

“At a time when students are struggling to stay in school, families are forced to choose between food and tuition, farmers are being buried by importation, inflation, and rising oil prices, the Filipino people deserve leadership rooted in accounta¬bility and service,” ayon sa student government.

“How can the youth take pride in a government that is increasingly consumed by political maneuvering and self-interest that eclipses even the machinations of Frank Underwood’s House of Cards?” dagdag pa nila.

Nanawagan din ang grupo sa mga mambabatas na tugunan nang may transparency at agarang aksiyon ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte habang pinakikinggan ang panawagan para sa accountability at hustisya. (Angelika Cabral)

----

 Naniniwala si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na “bad precedent” ang pagpa­yag ng Senado na ga­wing taguan ng pugante na sisira sa tiwala ng publiko sa pagpapatupad ng batas at sistema ng hustisya.

“I think we need to realize that because I have noticed that there is a breakdown of law and order right now,” pahayag ni Matibag.

Nagbabala siya na ang pagbibigay ng “protective custody” ng Senado sa puganteng si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay lilikha ng impresyon na maaaring gawing kanlungan ang Senado at umiwas sa pananagutan.

Sinabi niya na kung planong maging professional criminal at may kakayahang maging senador ay tatakbo sa pagka-senador upang magamit na kanlungan ang Senado sa oras na aarestuhin.

Aniya, may responsibilidad ang pagkuha ng kustodiya sa isang pugante na sa huli ay maglalaho. Itinulad niya ito sa responsibilidad ng baggage counter sa isang department store na kapag iniwan ang bag ng kustomer, nanga­ngahulugang may pananagutan sa custody ang baggage counter personnel.