May 25, 2026 | 7:51 AM
Isinusulong sa House of Representataives ang isang panukalang batas para taasan ang diskwentong natatanggap ng mga senior citizen sa bansa.
Ito ay ang House Bill No. 5187 o ang proposed Expanded Senior Citizens Act of 2010 na itinutulak ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes, na naglalayong dagdagan ang benepisyo ng mga nakatatanda habang sila ay tumatanda.
Iminumungkahi ng batas na magdagdag ng limang porsyento (5%) sa kasalukuyang 20-percent senior citizen discount para sa bawat karagdagang sampung taon o dekada ng edad, simula sa pagtuntong ng 70 anyos. Sakaling maging batas, tataas na ang diswento ng senior citizen sa 25%.
Paliwang ng mambabatas na habang tumatanda ang mga senior citizen, malaki ang itinataas ng kanilang gastusin sa pangangalagang pangkalusugan, mga gamot sa maintenance, at pang-araw-araw na pamumuhay, habang ang kanilang kakayahang kumita ng pera ay patuloy namang humihina.
Kayat giit ni Ordanes, ang iminumungkahing graduated discount system ay naglalayong magbigay ng karagdagang tulong pinansyal sa mga senior citizen sa mismong panahon kung kailan nila ito pinakakinakailangan.
**
Naka-high alert ang Philippine Red Cross (PRC) sa gitna ng nagpapatuloy na pag-responde sa gumuhong gusali sa may Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.
Ayon sa PRC, nakikipag-tulungan na ang kanilang ipinadalang teams sa mga lokal na otoridad.
Base sa ground report ng PRC nitong umaga ng Lunes, Mayo 25, nasa 26 ang nailigtas na mula sa 47 apektadong indibidwal habang patuloy naman ang paghahanap sa 18 pang napaulat na nawawala at kinumpirma rin ng organisasyon ang naunang dalawang nasawi.
Nagdeploy na ang PRC ng Collapsed Structure Search and Rescue at Emergency Medical Services teams mula sa kanilang chapters sa Pampanga at Olongapo para tumulong sa nagpapatuloy na rescue efforts.
**
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Sen. Francis Tolentino bilang bagong kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Pinalitan niya si Sec. Bienvenido Laguesma, na nagbitiw sa puwesto dahil sa kalusugan matapos magsilbi mula 2022 hanggang 2026.
Si Tolentino ay isang abogado at dating Senate Majority Leader na nagsilbi sa Senado mula 2019 hanggang 2025.
Bago pa man ang kanyang karera sa lehislatura, siya ay naging chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at kilala sa kanyang papel sa disaster preparedness at urban management.
Samantala, si Laguesma ay isang beteranong opisyal na nagsimula sa DOLE noong dekada 1970 bilang labor arbiter.