Skip to content

May 22 - 8 am NEWS

May 22 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
May 22, 2026 | 10:10 AM

Kinumpirma ng acting US Navy Secretary na ipinagpaliban muna ang planong pagbebenta ng mga armas ng Estados Unidos sa Taiwan.

Ayon kay acting secretary Hung Cao, ititigil muna nila ang nakatakdang pagbibigay ng $14 billion na halaga ng mga armas na binili ng Taiwan para masigurong mayroong sapat na munitions ang US military para sa “Epic Fury” operation sa Iran.

Paliwanag pa ng US official na magpapatuloy ang mga pagbebenta ng kagamitang militar sa Taiwan kapag itinuturing itong kinakailangan ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang US State Department at Pentagon kaugnay sa naging komento ng acting secretary.

---

Pinagsusunog ng mga galit na tao ang isang bahagi ng pagamutan sa kasagsagan ng Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo.

Ikinagalit ng mga tao ang hindi pagbibigay sa kanila ng bangkay ng isang lalaki na namatay dahil sa virus.

Ayon sa mga otoridad, na nagsimulang batuhin ng mga pampasabog ang mga katao at bigla na lamang nila itong sinunog ang tents.

Paliwanag ng mga otoridad na hindi nila basta inilabas ang bangkay ng biktima dahil ito ay nakakahawa pa.

Dahil dito ay agad na pinaalis ng mga kapulisan ang mga galit na tao.

---

Nagsagawa ang Russia ng malawakang nuclear exercises kung saan nagpalipad ito ng nuclear-capable missiles at naglabas ng nuclear munitions sa ilang military units sa gitna ng tumitinding tensyon sa NATO kaugnay ng digmaan sa Ukraine.

Ayon sa ulat, humigit-kumulang 64,000 tauhan ang kalahok sa isa sa pinakamalaking nuclear drills ng Russia sa mga nakaraang taon.

Layunin umano nitong subukan ang kahandaan ng kanilang nuclear forces sakaling magkaroon ng agresyon laban sa bansa.

Sa pahayag ni Russian President Vladimir Putin, sinabi niyang ang paggamit ng nuclear weapons ay nananatiling huling kanilang opsyon, ngunit iginiit niyang kailangang manatiling matatag ang nuclear capability ng Russia at Belarus dahil sa lumalaking pandaigdigang banta.

Bilang bahagi ng pagsasanay, nag-test launch din ang Russia ng iba’t ibang missile kabilang ang Yars intercontinental ballistic missile, Zircon hypersonic missile, at Sineva ballistic missile.

Ipinakita rin ng militar ang ilan sa kanilang nuclear submarines at hypersonic missile systems.

Kasabay nito, muling nagpalitan ng maaanghang na pahayag ang Russia at ilang bansang kaalyado ng NATO sa Baltic region.

Inakusahan kasi ng Moscow ang mga bansang Baltic na pinapayagan umano ang paggamit ng kanilang airspace para sa drone attacks laban sa Russia, bagay na itinanggi naman ng NATO.