Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magpapalawig ng validity ng Professional Regulation Commission (PRC) identification card sa limang taon mula tatlong taon.
Sa botong 266-0 at isang abstention, ina¬prubahan ng Kamara ang panukala na naglala¬yong bawasan ang dalas ng pagre-renew ng mga professional at paikliin ang red tape sa gobyerno.
Ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang panukala ay sagot sa kahilingan ng mga professional na padaliin ang kanilang pagre-renew ng lisensiya.
“Our professionals deserve a government that values their time and hard work. This measure cuts red tape, reduces unnecessary expenses, and makes public service more responsive to the realities faced by millions of Filipinos,” sabi ni Marcos.
Sinabi ni Marcos na mababawasan ng panukala ang pagsisikip sa PRC renewal systems at ang appointment slots para sa mga nagre-renew. (Billy Begas)
---
Nagpatupad ng panibagong balasahan ang Philippine National Police (PNP) matapos italaga sa bagong puwesto ang ilang opisyal epektibo kahapon, Mayo 22, 2026.
Itinalaga si PBGen. Randulph Tuano bilang acting Regional Director ng PRO 6 o Western Visayas Region habang si P/Col. Allen Rae Co ang itinalagang acting PIO chief.
Kabilang pa sa mga inilipat na opisyal sina: PMGen. Wilson Lopez — itinalagang Deputy Chief for Operations mula Directorate for Intelligence; PBGen. Arnold Ardiente — bagong acting Director ng Directorate for Intelligence mula PRO 12 ; PBGen. Edwin Belles — itinalagang acting Director ng PNP Anti-Kidnapping Group; PBGen. Josefino Ligan — bagong Deputy ng Directorate for Operations mula PRO 6; PBGen. Alan Manibog — itinalagang acting Regional Director ng PRO 12 ; at P/Col. Reynaldo Pasiwen — bagong Deputy Director for Intelligence
Ikinasa ang reshuffle bunsod ng pagreretiro ng ilang senior officer ng organisasyon. (Edwin Balasa)
----
Tatlong kongresista na bumoto laban sa pag-impeach kay Vice President Sara Duterte ang inalisan ng posisyon sa Kamara de Representantes.
Sa sesyon noong Miyerkoles ng gabi, naghain ng mosyon si House Assistant Majority Leader at Batangas Rep. Ryan Recto upang bawiin ang paghalal kina Southern Leyte Rep. Roger¬ Mercado at Agusan del Norte Rep. Dale Corvera bilang vice chairperson ng House Committee on Appropriations.
Si Mercado ay inalis din bilang chairperson ng House Committee on Population and Family Relations. Siya at pinalitan ni Northern Samar Rep. Edwin Ongchuan.
Si Laguna Rep. Ramil Hernandez ay inalis naman bilang chairperson ng House Special Committee on Southern Tagalog Development at pinalitan ni Laguna Rep. Loreto Amante.
Wala namang ibinigay na dahilan sa pagpapalit sa kanila. Umaasa sa 25 kongresista ang bumoto laban sa impeachment ni Duterte. Umabot naman sa 257 ang bumoto pabor dito. (Billy Begas)