Mas pinaigting na ngayon ng Philippine National Police ang kanilang pagbibigay seguridad sa buong bansa dahil sa mga nagaganap na rotational brownouts.
Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr, na kaniyang inatasan ang mga kapulisan sa bansa na magsagawa ng mobile at foot patroling sa mga residential at commercial areas.
Hindi kasi ikinaila ng PNP ang pagdami ng mga kaso ng krimen tuwing nawawalan ang suplay ng kuryente.
Ang nasabing kautusan ay bilang paghahanda sa posibilidad na pagtaas ng kaso ng nakawan.
***
Nilinaw ni Sen. Erwin Tulfo na walang tumatawag sa kaniya ukol sa posibleng panibagong pagpapalit ng liderato sa Senado.
Unang kumalat ang naturang isyu kasunod ng sinabi ni Senate Pres. Allan Peter Cayetano na abala ang Senate minority sa pakikipag-usap sa ibang senador upang hikayatin silang lumipat ng panig.
Ayon kay Tulfo, wala namang tumatawag sa kaniya sa kasalukuyan.
Gayunpaman, hindi aniya ito malabong mangyari.
Katwiran ng senador, ‘sobrang nipis’ ng kasalukuyang majority kaya’t nananatili ang posibilidad na magkaroon ng mga pagbabago.
**
May isang torneo pa kung saan sasabak si Pinay tennis star Alex Eala bago ang pagsabak niya sa French Open.
Nakatakda kasi ito ng maglaro sa Internationaux de Strasbourg na magaganap mula Mayo 17 hanggang 23 sa France.
Nasa qualifying round pa rin ang 20-anyos na Pinay sa WTA 500 event na maituturing niyang warm-up bago ang French Open na magaganap sa Mayo 24 hanggang Hunyo 7.
Ang naturang patimpalak ay kinabibilangan ng 28 player singlesmain draw na nagsimula noong 1987.