Skip to content

May 14 - 7 am NEWS

May 14 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
May 14, 2026 | 8:48 AM

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Re¬presentantes ang panukala na palawigin ang validity ng Professional Regulation Commission (PRC) identification cards sa limang taon mula sa tatlong taon.

Ang House Bill 8876 ay inaprubahan sa pamamagitan ng viva voce voting sa sesyon noong Miyerkoles.

“Sa panahon ngayon, mahalaga na mapagaan natin ang gastos at abala ng ating mga propesyonal. Sa pagpapalawig ng validity ng PRC IDs mula tatlo tungo sa limang taon, mas mabibigyan natin sila ng panahon para mag-focus sa kanilang trabaho, kabuhayan, at serbisyo sa bayan kaysa sa paulit-ulit na proseso ng renewal,” sabi ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, isa sa may-akda ng panukala.

Ang HB 8876 ay isa sa mga panukala na isinusulong ng Kamara de Representantes, sa ilalim nina Speaker Faustino Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos upang mapaganda ang serbisyo ng gobyerno at mabawasan ang abala ng publiko sa pakikipagtransaksiyon sa gobyerno.

Ayon kay Marcos makatutulong ang panukala sa mga professionals upang makatipid sa oras, mabawasan ang gastos at ang effort na kailangan sa pagre-renew ng kanilang PRC ID. (Billy Begas)

---

Mas maraming pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom noong Marso dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo na kumakain sa budget ng mga tahanan.

Ayon sa First Quarter 2026 survey ng Social Weather Stations (SWS), umakyat sa 23.2% ang bilang ng mga pamilyang nakaranas ng involuntary hunger o gutom na walang makain, kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.

Mas mataas ito ng 3.1 percentage points mula sa 20.1% na naitala noong Nobyembre 2025 kahit pa bumaba ng malaki ang hunger rate sa Mindanao.

Ayon sa SWS, ang hunge¬r rate noong Marso ang pinakamataas mula nang umabot ito sa 27.2% noong Marso 2025. Mas mataas din ito sa 20.2% average noong 2025 at sa 21.1% average noong 2020, kasagsagan ng COVID¬-19 pandemic.

Pinakamarami ang nagugutom sa Visayas sa 28%, sinundan ng Balance Luzon sa 22.4%, Metro Manila sa 22%, at Minda¬nao sa 21.7%. Ang Minda¬nao ang tanging lugar kung saan bumaba ang hunger rate, kaya ito na ang may pinakamababang bilang ng mga pamilyang nakaranas ng gutom. (Eileen Mencias)