Skip to content

May 13 - 7 am NEWS

May 13 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
May 13, 2026 | 8:49 AM

Hinamon ng high school teacher na si Barry Tayam sa Supreme Court (SC) ang constitutionality ng Senate Resolution No. 44 na layong protektahan ang mga Pilipino laban sa extrajudicial rendition.

Sa inihaing petisyon nitong Martes, sinabi ni Tayam na labag umano sa Konstitusyon ang SRN 44 at maaari umanong magdulot ng “constitutional crisis.”

Ayon kay Tayam, malinaw sa Konstitusyon na maaari lamang magkaroon ng immunity sa pag-aresto si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung ang kasong kinahaharap ay may parusang mas mababa sa anim na taon.

“However, kapag ikaw ang nakasuhan dito sa [Republic Act No.] 9851, ang hatol ay reclusion temporal hanggang reclusion perpetua, meaning 12 years hanggang 40 years. So, dapat hindi siya pinapayagan ng ating mga senador kasi magkakaroon tayo ng constitutional crisis,” aniya.

Hiniling din niya sa SC na pagbawalan si Dela Rosa na gamitin ang Senado bilang kanlungan laban sa arrest warrant ng International Criminal Court. Pinakikilos din sa petisyon ang PNP-CIDG at NBI na tumulong sa pagsilbi ng warrant alinsunod sa batas.

Hinamon naman ni Tayam si Dela Rosa, ang chief implementer ng madugong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga, na harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

“Hindi po kayo masasabing inosente kung takbo kayo nang takbo o tago nang tago. Patunayan niyo po sa korte na wala kayong kasalanan. At the same time, ‘di ba gusto mo nang makasama si Tatay Digong, eh ‘di ito na ang pagkakataon mo, magkikita na kayo,” dagdag niya. (Prince Golez)

---

Naghain si Sen. Idol Raffy Tulfo ng isang resolusyon sa Senado na naglalayong repasuhin ang umiiral na monitoring measures na ipinatutupad ng Department of Migrant Workers (DMW) at Maritime Industry Authority (MIA) upang matiyak ang proteksyon at patuloy na kaligtasan ng mga Pilipinong marino, lalo na ‘yung mga naka-deploy sa high-risk maritime areas.

Sa paghahain ng Senate Resolution (SR) No. 393, binanggit ni Tulfo ang mga insidenteng nagdulot ng matinding pangamba hinggil sa kaligtasan ng mga Pilipinong tripulante na naglalayag sa mga high-risk maritime areas, partikular sa Persian Gulf at mga karatig na rehiyon.

Aniya, noong Mayo 6, iniulat na tinamaan umano ng drone ang barkong  MV CMA CGM San Antonio habang naglalayag palabas malapit sa Strait of Hormuz, isang high-risk maritime area na apektado ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon.

Bukod dito, binanggit din ni Tulfo na ang Dutch-vessel na MV Hondius, isang expedition cruise ship na may 38 Pilipinong marino na sakay, ay napaulat na tinamaan ng nakamamatay na Hantavirus noong Abril 24, na nagdulot ng pangamba sa buong mundo.

Dahil dito, iginiit ni Tulfo na dapat suriin ang umiiral na coordination at compliance mechanisms, gayundin ang pagiging epektibo ng monitoring systems para sa mga Pilipinong marino na saklaw ng Magna Carta of Seafarers.