Sa isang talakayan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), binigyang-diin ng mga eksperto na ang artificial intelligence (AI) ay nagsisimula nang baguhin ang tradisyunal na career pathways at nagpapababa ng demand para sa routine work.
Ayon kay Professor Alexis Antoniades, lumalakas ang mismatches sa skills at tumataas ang pangangailangan sa digital competencies gaya ng programming at data analysis.
Ipinakita naman ni Francis Mark Quimba ng PIDS na mababa hanggang katamtaman lamang ang readiness ng maraming LGUs para sa AI adoption dahil sa mahinang digital infrastructure at limitadong technical capacity.
Samantala, iniulat ni Chelsea Nicole Pineda ng DOLE-ILS na tumataas ang paggamit ng AI sa IT-BPM, manufacturing, at banking sectors, ngunit nananatiling alalahanin ng mga manggagawa ang job security at ethical use ng AI.
Binigyang-diin ng mga tagapagsalita na dapat manatiling human-centered ang AI systems upang maging katuwang sa paggawa at hindi ganap na pumalit sa mga manggagawa.
----
Nagbabala ang isang political science expert na madaling matibag ang Senate presidency ni Senador Alan Peter Cayetano dahil napakarupok ng pundasyon niya sa puwesto.
Sa panayam ng Abante, sinabi ni UST Department of Political Science Chair na si Dr. Dennis Coronacion, napakanipis ng lamang ni Cayetano kay dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa nangyaring botohan noong Lunes.
Aniya, hindi malayong matanggal din si Cayetano at mapalitan ng ibang Senate president.
Samantala, hindi rin naniniwala si Coronacion na walang kinalaman ang kudeta sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.
Ito’y dahil sa may mga personal na interes umano ang bumubuo ng mayorya ngayon. Maraming senador na kasapi ng bagong majority coalition ay maaaring kasuhan sa flood control scam.
Ganito rin ang naging pananaw ni Prof. Jean Franco ng University of the Philippines nang makapanayam ng programang “Memo with Korina” sa Bilyonaryo News Channel.
Sa naturang programa, tinalakay ni Franco ang epek¬to ng mga political interest sa loob ng Senado. Aniya, may pananagutan ang Senado sa pag-usad ng impeachment trial at sa magiging direksiyon ng proseso nito.
Samantala, inilarawan naman ni Franco na parang holdaper ang nangyaring habulan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado noong Lunes.
Aniya, parang pumasok lang si Dela Rosa sa Senado para bumoto sa pagpapatalsik kay Sotto.