Nakatakdang magtipon ang Senado bilang impeachment court sa Miyerkoles, Mayo 13 kapag natanggap na nila ang Articles of Impeachment ng Kamara de Representantes laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, makatuwiran umano sa Senado na aksiyunan agad ito sa oras na matanggap nila ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente.
Inaasanang maisasampa sa Senado ang impeachment case nga¬yong linggo matapos ang pormal na botohan nito sa sa Kamara ngayong Lunes, Mayo 11.
“Ini-expect ko na ita-transmit sa amin on Tuesday at base sa mga statements ni SP [Se¬nate President Vicenteo Sotto II], i-convene na ‘yung impeachment court on Wednesday,” sabi ni Gatchalian sa panayam sa radyo nitong Linggo.
“Kaagad-agad kasi gusto niya, agad eh. Kung gusto niya, immediately i-convene. Although admittedly rin, in Supreme Court nagkaroon na ng ruling na ang discretion ng Senate kung ano ang definition ng forthwith. Basta within reasonable grounds,” dagdag niya.
Kumpiyansa si Gatcha¬lian na handa na ang Senado na magtipon para sa Duterte impeachment trial lalo na’t naghanda na sila mula pa noong 19th Congress.
“Kung tignan natin ‘yung nangyari in 19th Congress talagang expect na natin na mayroong mga puwedeng ilabas prio¬r to the actual trial, nakita na natin ‘yan. Nagkaroon tayo ng preview ng 19th Congress. Kaya nga nagkaroon ng remand, ‘di ba?” ani Gatcha¬lian. (Dindo Matining)
----
Mariing itinanggi ni Nicholas Kaufman na dine-delay niya ang usad ng paglilitis ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa International Criminal Court (ICC) matapos itong umatras bilang abogado ng dating Pangulo.
“If my withdrawal is approved by the Trial Chamber, it will not affect the progress of proceedings,” diin ni Kaufman sa isang statement nitong Linggo, Mayo 10.
Aniya, nangako na umano ang abogadong papalit sa kanya na handa itong dumalo sa status conference na nakaiskedyul sa Mayo 27, 2026.
“I should add that prospective counsel has much experience with the use of the Court’s information technology and will not find it difficult to ready himself for trial. Indeed, he will have the benefit of the Defence’s thorough analysis of the Prosecution’s flimsy evidentiary matrix as witnessed during the confirmation procee¬dings,” diin pa ni Kaufman.
“Ironically, counsel for the victims should be directin¬g their worries regarding potential delays in the proceeding¬s to the Prosecution that, prior to confirmation, refused to give a substantive response to the Defence’s request that it confirm the immediate availability of key cooperating witnesses for trial,” giit pa niya.
Nauna rito, hiniling ni Kaufman sa ICC na aprubahan ang withdrawal niya bilang abogado ni Duterte dahil natapos na umano ang kontrata niya noon pang Marso.
---
Mas pinaigting ng GCash ang kampanya nito laban sa task scams at iba pang uri ng social engineering fraud sa gitna ng patuloy na pagiging sopistikado ng mga digital scam syndicates sa bansa.
Ayon sa GCash, karaniwang modus sa task scams ang pagpapanggap bilang recruiters, merchants, o online platforms na nag-aalok umano ng madaling pagkakakitaan kapalit ng pagsasagawa ng simpleng online tasks. Kalaunan, hinihikayat o minamanipula umano ng mga ito ang mga biktima na maglipat ng pera kapalit ng pangakong mas mataas na komisyon o mas malaking withdrawals.