Pito sa bawat 10 Pilipino ang kuntento sa trabaho at serbisyo ng kanilang district representative, ayon kay Deputy Speaker Jay Khonghun ng Zambales.
Binanggit ni Khonghun ang resulta ng March 2026 Philippine Public Opinion Monitor ng WR Numero Research kung saan lumabas na 71% ng mga res¬pondent ang nagsabing kuntento sila sa trabaho at serbisyo ng kanilang kinatawan sa Kamara de Representantes.
Lumabas din sa survey na ang Kamara, sa pangu¬nguna nina Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ay nakakuha ng 35% “mahusay” (good) performance rating habang 30% naman ang undecided at 35% ang dissatisfied rating.
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,455 adult Filipinos mula Marso 10 hanggang 17, at may margin of error na ±3 percent at 95% confidence level.
Binanggit pa ng mga lider ng Kamara, sa pa¬ngunguna ni Khonghun na ang mataas na district-level satisfaction ay tumpak na pagsukat sa performance sa pagsasabing sumasalamin ito sa karanasan ng mga cons¬tituent sa kanilang mga mambabatas.
“The 71% satisfaction rating shows that, beyond national perception, our constituents feel the pre¬sence and service of their representatives in their daily lives,” paliwanag ni Khonghun.
Ayon sa mga analyst, ang institutional ratings ng Kamara ay kalimitang naiimpluwensiyahan ng mga political development at national issue, pero iba naman sa district level dahil nakadepende ito sa pagbibigay ng serbisyo tulad ng mga medikal at pinansiyal na ayuda, infrastructure support at community programs.
“The message is clear: people value results they can see and feel in their communities,” saad ni Khonghun.
---
Parami nang parami ang mga bago at hindi kuwa¬lipikadong opisyal sa Department of Information and Communications Technology (DICT)
Ayon sa source ng Abante, isa sa requirement sa DICT ang magkaroon ng karanasan sa information technology at kaalaman sa data privacy pero karamihan sa mga bagong salta ay wala umanong karanasan.
Binanggit pa ng source na ang minimum na work experience sa IT/tech/data privacy ng mga assistance secretary at undersecretary ay dapat pitong taon.
Hindi binanggit ng source ang pangalan ng mga ito pero kamakailan lamang, napaulat ang pagtalaga sa abogadong si Leonido “Bodie” Pulido III bilang undersecretary pero hindi pa lumalabas ang kanyang pangalan sa official website ng ahensiya.
Si Pulido ay miyembro umano ng Sigma Rho fraternity. Sina DICT Secretary Henry Aguda at Undersecretary Leandro Angelo Aguirre ay pawang mga miyembro ng fraternity na nakabase sa University of the Philippines College of Law.
Bago napunta sa DICT, si Pulido ay naging assistant secretary ng Department of Energy (DOE) at Department of Budget and Management.
Sa DOE, natoka siya sa Oil Industry Management Bureau, Energy Resource Development Bureau, at mga field offices. Minsan din siyang nagsibi bilang vice chairman ng Philippine Exploration Contractin¬g Round, na siyang nangangasiwa sa upstream energy exploration policies.