May 01, 2026 | 8:14 AM
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na hindi na kailangan pang magsagawa ng loyalty check sa mga pulis sa buong bansa.
Ito ay sa kabila ng napaulat na isyu ng umano’y military-backed People Power.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, nananatiling tapat sa saligang batas ang buong organisasyon sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Nananatili rin aniya ang katapatan ng mga miyembro ng pambansang pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin nang pumasok sila bilang mga tagapagpatupad ng batas.
**
Naglabas ang US Embassy sa Manila ng security alert para sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas.
Kasunod ito sa pagkasawi ng dalawang Americans sa naganap na engkuwentro ng mga sundalo at mga rebeldeng grupo sa Toboso, Negros Occidental.
Nakasaad sa security alert ang mga luagr ng Leyte,Mindoro, Negros at Samar.
Pinayuhan nila ang mga mamamayan na nasa bansa na sumunod sa mga isinasaad ngbatas.
Magugunitang kabilang ang dalawang US citizens sa 19 na nasawi ng magsagawa ng operasyon ang Armed Forces of the Philippines laban sa mga miyembro ng umanoy New People’s Army (NPA) sa Barangay Salamanca noong Abril 19.
**
Sa paggunita ng Labor Day, suportado ng ilang senador ang panawagan para sa konkretong hakbang upang maprotektahan ang mga manggagawa na hirap na sa mataas na presyo ng bilihin at mababang sahod.
Ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at pamasahe ay halos inuubos na ang kita ng mga pamilya. Kaya aniya, suportado niya ang panawagan para sa wage increase dahil ito ay “hindi awa kundi hustisya.”
Binigyang-diin din niya na dapat lumikha ang gobyerno ng mas maraming dekalidad na trabaho at ayusin ang mga sistemang nagpapabigat sa gastusin ng mamamayan.
Samantala, sinabi naman ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat hindi lang papuri ang ibigay sa mga manggagawa kundi mas matibay na suporta tulad ng subsidies at iba pang ayuda upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan.