Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang unang repatriation flight mula sa Dubai kasunod ng patuloy na labanan sa Middle East.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Dave Gomez, sakay ng Emirates flight EK336 ang mga Pilipinong umuwi sa bansa kasama ang iba pang apektadong biyahero.
Pinangunahan naman ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang pagsalubong sa 299 repatriates, kabilang ang mga sanggol at bata.
Umalis ang eroplano sa Dubai alas-9:55 ng gabi (oras sa Pilipinas) at naghatid pauwi ng mga overseas Filipino worker, turista at iba pang biyaherong pansamantalang na-stranded.
Ayon sa pamahalaan, nakahanda na ang mga contingency measure upang tulungan ang mga Pilipino sa abroad kung lumala pa ang sitwasyon, habang patuloy naman ang koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno at airline partners.
**
Opisyal nang nag-convene ang 35th ASEAN Socio-Cultural Community Council ngayong Huwebes, Marso 5 dito sa Peninsula Manila, Makati City.
Pinangunahan ng chair at DSWD Sec. Rex Gatchalian ang pagbubukas ng konseho.
Dinaluhan ito ng Foreign ministers mula sa 10 member States ng ASEAN mula Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at ang pinakabagong miyembro ng organisasyon, ang Timor-Leste.
Sa kaniyang opening speech, binigyang diin ni Sec. Gatchalian na ngayong taon nakapokus ang konseho sa ASEAN framework na RISE, na binubuo ng apat na strategic priorities. Una, ang resilient and empowered families, kung saan isinusulong din ang pagkakaroon ng Childcare policies para matiyak na lumaki ang mga bata sa ligtas, norturing at supportive environment.