Skip to content

March 4 - 8 am NEWS

March 4 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Mar 04, 2026 | 10:54 AM

Mahigit 101 na tripulante ang naiulat na nawawala matapos lumubog ang Iranian Navy frigate IRIS Dena (75) sa labas ng teritoryal na tubig ng Sri Lanka nitong Miyerkules.

Ayon kay Sri Lanka Foreign Minister Vijitha Herath, nailigtas ng kanilang hukbong dagat at himpapawid ang 32 sugatang mandaragat, karamihan ay nasa kritikal na kondisyon.

Ang insidente ay naganap habang pauwi na ang barko mula sa MILAN 2026 International Fleet Review na ginanap sa India.

Isinugod ang mga nasagip na tripulante sa ospital sa Galle, kung saan patuloy silang ginagamot.

Bagama’t may mga ulat na nagsasabing sinamitan ng torpedo ng isang submarine ang barko, hindi pa malinaw kung aling bansa ang responsable sa pag-atake.

Ang paglubog ng IRIS Dena ay nagdulot ng pangamba sa rehiyon, lalo na’t kasabay ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

----

Tinamaan ng hinihinalang Iranian droe ang US consulate sa Dubai.

Inanunsiyo ng Dubai office na nasunog ang itaas na bahagi ng kanilang gusali.

Kinumpirma nila na ito ay tinamaan ng drone mula sa Iran.

Una ng pinalikas ni US President Donald Trump ang lahat ng mga personnel niya sa iba’t-ibang konsulada at mga US bases sa Middle East para hindi madamay sa pag-atake ng Iran

----

Nagpadala na ang United Kingdom ng mga helicopters na may counter-drone capabilities sa Cyprus.

Ayon kay British Prime Minister Keir Starmer , na kanil na ring idineploy ang kanilang air defense destroyer na HMS Dragon sa rehiyon.

Layon ng nasabing hakbang ay para maprotektahan ang mga Britishh military personnel na nakabase sa Cyprus.

Nakausap niya rin ang pangulo ng Cyprus ang kanilang hakbang para protektahan ang kanilang mamamayan.

---

Mas lumawak pa ang airstrike ng Iran sa iba’t-ibang bahagi ng Gitnang Silangan.

Ayon kay ministry spokesman Reza Talaei-Nik na handa silang labanan ang US at Israel ng pangmatagalan.

Paglilinaw nito na hindi muna nila ginagamit ang kanilang mga advance weapons sa pag-atake.

Dahil dito ay nananatiling sarado ang airspace ng Qatar kung saan mahigit 8,000 katao ang na-istranded.

Kinondina naman ng United Nations ang patuloy na giyera sa Iran kungsaan maraming mga bata ang naiulat na nadamay.

Nilinaw naman ni US President Donald Trump na hindi sila hinikayat ng Israel na atakihin ang Iran.

Alam umano ni Trump na hindi interesado ang Iran para sa negosasyon kaya nagpasya rin ito na atikihin ang Iran.

Huli na rin ang hirit ng Iran na magkaroon muli ng pag-uusap dahil sa lumalala na ang giyera.