Skip to content

March 4 - 7 am NEWS

March 4 - 7 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Mar 04, 2026 | 10:34 AM
Nagpahayag ng pagkabahala ang grupo ng mga negosyante sa bansa na magkakaroon ng malaking epekto ang nagaganap na giyera sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) , na isa na dito ang pagtaas ng krudo dahil sa Gitnang Silangan kumukuha ang Pilipinas ng krudo mula sa Middle East.
Dahil din sa kaguluhan ay maaaring tumaas ang inflation na makakaapekto sa purchasing power ng ordinaryong Pilipino.
Habang ang grupong Federation of Philippine Industries (FPI) ay pinatitiyak sa gobyerno na tiyakin na magkaroon ng sapat na suplay ng pangunahing bilihin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng buffer stocking at price monitoring.
**
Ibinahagi ng dating presidential daughter at bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte na nais ng dating Pangulo na magkaroon ng public gathering para sa pagdiriwang ng kaniyang ika-81 kaarawan sa Marso 28.
Ayon kay Kitty Duterte, sa ngayon pinaplano na nila at inoorganisa kung ano ang mga gagawin para sa planong pampublikong pagtitipon, na para sa mga tao.
Sa ngayon, ayon kay Veronica Duterte, wala pang desisyon mula sa pamilya Duterte kung sino sa miyembro ng kanilang pamilya ang magtutungo sa the Hague para ipagdiwang ang naturang okayson.
Ito ang ikalawang beses na magdiriwang ang dating Pangulo ng kaniyang kaarawan sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa the Hague, Netherlands habang inaantay ang ibababang desisyon ng Pre-Trial Chamber I kung tuluyang uusad sa paglilitis ang kasong crimes against humanity matapos ang apat na araw na confirmation of charges.