Skip to content

March 3 - 8 am NEWS

March 3 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Mar 03, 2026 | 10:04 AM

Ibinunyag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang dahilan ng kanilang pag-atake sa Iran.

Sinabi nito na kanilang inunahan ang Iran para tumigil na sa paggawa ng nuclear weapons.

Dagdag pa nito kapag nagamit ng Iran ang kanilang nuclear weapons ay isa itong malaking banta sa buhay ng bawat tao.

Prinotektahan lamang nila ang kanilang sarili at ganun din ay naprotektahan nila ang maraming iba pa.

Pinasalamatan nito si US President Donald Trump dahil sa hakbang nito para maisalba ang mundo.

----

Nahaharap ngayon sa leadership crisis ang Iran matapos ang mga ulat nang pagkamatay ng matataas na opisyal nito tulad ni Iran’s Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.

Lalo pang lumala ang krisis dahil sa mga ulat na umano’y ang kanyang pansamantalang kahalili, ay nasawi din na nagdulot ng kaguluhan sa pulitika ng bansa.

Kasabay ng pagkamatay ni Khamenei, ilang mataas na opisyal ng Iran ang nasawi sa isinagawang ”Operation Epic Fury” ng Estados Unidos at Israel noong Pebrero 28, 2026.

Kabilang sa mga ulat na namatay ay:

General Abdol Rahim Mousavi, Iran’s army chief of staff
General Aziz Nasirzadeh, Defence Minister
Major General Mohammad Pakpour, Revolutionary Guard’s top commander
Ali Shamkhani, Top security adviser to Khamenei.
Iniulat rin ng state media ng Iran na nasawi ang ilang miyembro ng pamilya ni Khamenei, kabilang ang kanyang anak na babae, apo, bayaw, at manugang na babae.

Kinumpirma naman ng Israel Defence Forces (IDF), na napatay din nila ang iba pang mataas na opisyal ng Iran:

Saleh Asadi, Head of the Intelligence Directorate of the Khatam al Anbiya emergency command
Mohammad Shirazi, Head of the military bureau
Hossein Jabal Amelian, Head of SPND (Organisation of Defensive Innovation and Research)
Reza Mozaffari-Nia, Former head of SPND and former deputy defence minister.

Bilang tugon sa krisis, itinatag ng Iran ang temporary leadership council upang pamahalaan ang bansa at gampanan ang tungkulin ng supreme leader.

Kabilang sa konseho sina:

Masoud Pezeshkian, Iran’s reformist president
Gholamhossein Mohseni Ejei, The hard-line head of the judiciary
Alireza Arafi, Member of Iran’s Guardian Council and head of the Basij, a volunteer paramilitary force.
Ani Iran’s parliamentary speaker Mohammad Bagher Qalibaf, mayroon na umano silang plano para sa susunod na hahalili sa bansa.