Skip to content

March 27 - 7am NEWS

March 27 - 7am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Mar 27, 2026 | 7:30 AM

Lumagda ang Pilipinas at Japan sa isang loan agreement para sa dalawang proyektong pang-imprastruktura sa Metro Manila at Mindanao ngayong Biyernes, Marso 27.

Kabilang sa nilagdaan ang Fourth Tranche Loan for Phase 1 of the Metro Manila Subway Project  na may pagpopondo mula sa gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency.

Nagkakahalaga ang naturang loan ng 220 billion yen o katumbas ng tinatayang P84.81 billion.

Kasama sa lumagda ang Department of Transportation, Department of Foreign Affairs at Embassy of Japan sa Pilipinas.


**

Ligtas ang mga Pilipino sa Qatar, sa kabila ng pagkakadamay ng naturang bansa sa lumalalang giyera sa Gitnang Silangan.

Sa interview  kay Philippine Ambassador to Qatar, Amb. Mardomel Celo Melicor, tiniyak nitong maayos ang kalagayan ng mga mangagawang Pilipino na naroon, at napapangalagaan din ng Qatari government ang kanilang kapakanan.

Limang araw na rin aniyang hindi nakakaranas ng missile attack ang naturang bansa, habang tuloy-tuloy din ang regular na trabaho ng mga mangagawang Pilipino.

Bagaman hindi pa rin tiyak kung hanggang kailan magtatagal ang giyera, umaasa ang opisyal na babalik na rin sa normal ang sitwasyon sa naturang bansa, lalo at epektibo rin aniya ang defense system ng Qatar na humaharang sa mga missile na pinapalipad ng Iran.