Skip to content

March 26 - 7 am NEWS

March 26 - 7 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Mar 26, 2026 | 7:30 AM

Naghain ang Anti-Money Laundering Council  ng tatlong petisyon para sa civil forfeiture o pagbawi ng assets na konektado sa flood control corruption kasunod ng anim na buwang imbestigayson at freeze orders.

Sa isang statement, inihayag ng konseho na saklaw sa petsiyon ang mga asset ng mga indibidwal at entities na nauna nang inisyuhan ng Court of Appeals ng freeze orders.

Hindi naman idinetalye na ng konseho ang mga pangalan o eksaktong halaga ng assets na saklaw ng mga petisyon.

Sa ngayon, pinayagan ng Manila Trial Court ang dalawang pansamantalang asset preservation orders para ma-secure ang monetary instruments at mga ari-arian habang nakabinbin ang mga kaso.

**

Dumistansiya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa tanong kung posible bang pansamantalang i take over ng gobyerno ang industriya ng langis sa gitna ng nararanasan ngayong krisis sa suplay at presyo sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang pag usapan ang bagay na ito.

Una ng inamin ng Pangulo na walang kontrol ang gobyerno sa presyuhan ng langis lalo pa at pabago-bago ang presyo nito sa world market. 

Maging ang oil producers aniya ay hindi tiyak kung hanggang kelan tatagal ang pagsu suplay lalo pa at apektado ng giyera sa gitnang silangan ang Strait of Hormuz o ang pangunahing ruta ng mga ibina biyaheng langis sa ibat-ibang parte ng mundo.