Skip to content

March 26 - 6 am NEWS

March 26 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Mar 26, 2026 | 6:30 AM

Ganap nang batas ang panukalang nagbibigay kapangyarihan sa pangulo ng bansa na bawasan o suspendihin ang excise tax sa langis.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12316.

Sa ilalim ng batas, binibigyan ang pangulo ng emergency powers na suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo, batay sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee at sa pakikipagtulungan ng Kalihim ng Department of Energy.

Maaaring gamitin ang kapangyarihang ito kapag umabot o lumagpas sa 80 dolyar kada bariles ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado sa loob ng isang buwan.

***

Inatasan ng Philippine National Police  ang lahat ng yunit nito na paigtingin ang pagpapatupad ng road safety measures upang maiwasan ang aksidente ngayong Semana Santa at summer break.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, magde-deploy ng sapat na bilang ng mga pulis para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas-trapiko, kabilang ang inspeksyon ng mga pampasaherong sasakyan sa mga terminal.

Mahalaga rin aniya ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya.

**

Masusung babantayan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga paliparan at pantalan laban sa mga aktibidad ng human trafficking kasabay ng inaasahang pagbuhos ng mga pasahero sa Semana Santa.

Ayon kay BI Deputy spokesperson Melvin Mabulac, kapag ganitong panahon may mga pagtatangka ng human trafficking.

Ito ang dahilan kayat nilikha ang Immigration Protection and Border Enforcement Section  ng bureau  para masusing makilatis ang mga Pilipinong bumibiyahe palabas ng bansa.