Skip to content

March 25 - 8 am NEWS

March 25 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Mar 25, 2026 | 10:13 AM

Tahasang binalewala ng Iran ang inaalok na 15-point peace plan ng Estados Unidos, sa gitna ng patuloy na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng militar ng Iran, ang Washington ay nakikipag negosasyon sa kanilang sarili at naglabas ng matapang na mensahe hinggil sa panukala.

Batay sa mga ulat, nakarating ang nasabing plano sa Tehran sa pamamagitan ng bansang Pakistan, na kasalukuyang tumatayo bilang intermediary.

Bagama’t hindi pa isinasapubliko ang buong detalye ng dokumento, naiulat na nakapaloob dito ang kondisyon na buwagin ng Iran ang kanilang mga nuclear facilities.

Kapalit umano nito ay ang tuluyang pag-alis sa mga ipinapataw na sanctions laban sa kanilang bansa.

Taliwas naman sa naging reaksyon ng Iran ang paniniwala ni US President Donald Trump.

Nitong Martes, iginiit ng pangulo na nais ng Tehran na magkaroon ng kasunduan .

Samantala, isang ministro mula sa Israel ang nagpahayag ng pagdududa sa nasabing hakbang.

Sa isang panayam, sinabi nitong ang panukala ng US ay beautiful on paper, ngunit iginiit na malaki ang posibilidad na hindi ito kailanman sasang-ayunan ng Iran.

Sa kabilang dako, sa kabila ng tumitinding hidwaan diplomatiko, nilinaw ng misyon ng Iran sa United Nations (UN) na maaari pa ring dumaan ang mga non-hostile vessels sa Strait of Hormuz.

---

Pormal ng nanumpa bilang bagong Department of Homeland Security head si US Senator Markwayne Mullin.

Sinaksihan ni US President Donald Trump ang panunumpa sa tungkulin ni Mullin.

Ang US President mismo ang pumili kay Mullin matapos ang pagbibitiw sa puwesto ni DHS Secretary Kristi Noem.

Ang first-time senator na Mullin ay nagwagi noong special election pero 10 taon na itong naging US representatives ng Oklahoma sa lower house ng Congress.

Una ng sinabi ni Mullin na magpapatupad ito ng mas magandang hakbang sa paglaban sa iligal na mga immigrants.

Magugunitang nahaharap sa kontrobersiya ang DHS dahil sa reklamo laban sa mga Immigration and Customs Enforcement (ICE) kung saan may ilang insidente ng pamamaril na naitala sa ilang estado ng US.