Kinalampag ni Senadora Loren Legarda nitong Martes ang administrasyong Marcos na kanselahin ang budget para sa biyahe at party upang magamit itong ayuda sa mga magsasaka, mangingisda, tsuper ng mga pampublikong sasak¬yan at iba pang apektado ng krisis sa langis.
“Anong mga pondo sa 2025 ang hindi nagagamit na puwedeng ‘huwag na ito’? Ano sa 2026 na tatawagin nating I call spade a space, luho na travel, party kanselahin lahat iyan,” giit ni Legarda sa u¬nang hearing ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee.
Kinastigo rin ng senadora ang pahayag ng Malacañang na walang umiiral na oil crisis sa bansa dahil magiging kampante lamang ang mga mi¬yembro ng gabinete imbes na harapin ang problema.
“We must first admit that there is a crisis for all of us to act with urgency,” diin ni Legarda.
Aniya, kailangang kumilos na ngayon ang mga ahensiya ng gobyerno lalo pa’t masama ang kanilang record sa budget utilization.
Sa lahat umano ng mi¬yembro ng gabinete ni Pa¬ngulong Marcos, si DSWD Secretary Rex Gatchalian lamang ang mabilis kumilos at palaging “on the ground”.
“I think Sec Rex is the only Cabinet member. When I call, he answers and he’s quick, he’s on the ground, he knows the answer. I wish everybody could emulate that,” ani Legarda.
---
Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang state of national energy emergency dahil sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan dulot ng giyera sa pagitan ng US-Israel at Iran.
Sa Executive Order (EO) No. 110 na nilagdaan ng Pangulo, nakasaad dito ang pagdedeklara ng State of National Energy Emergency and Adopting the Unified Package for Livelihood, Industry, Food and Transport (UPLIFT).
Nakasaad sa EO na ang mga kaguluhang ito ay nagdudulot ng matinding epekto sa pandaigdigang merkado ng langis at dahil mahalaga ang rehiyong ito sa produksyon at transportasyon ng langis, nagkakaroon ng kawalan at katiyakan sa suplay, pagkaantala ng supply chain at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo na nagbabanta sa seguridad sa enerhiya ng Pilipinas.
Bukod pa rito ang pagsasara ng Strait of Hormuz, na pangunahing daanan ng pandaigdigang suplay ng langis kaya naapektuhan ang suplay ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Maaari rin itong magdulot ng kakulangan at hindi matatag na suplay ng enerhiya sa bansa kaya maaaring maapektuhan ang sapat at pangangailangan sa pang araw-araw na operasyon ng ekonomiya ng bansa.
Kasabay nito, inaprubahan din ang isang “unified package” na naglalayong tumulong sa mga sektor ng kabuhayan, industriya, pagkain at transportasyon para maibsan ang epekto ng krisis sa enerihiya sa bansa.
Habang ang UPLIFT Committee naman ay magko-convene para pamahalaan at i-coordinate ang implementasyon ng UPLIFT.
Magsisilbing chairman ng UPLIFT Committee si Pangulong Marcos, at miyembro ang mga kalihim ng Department of Energy, DOTr, DSWD, DA, DOF DEPDEV at DBM.