Tinatayang magdulot ng pagkalugi ng $20 billion sa taunang revenue ang pinsala sa pinakamalaking liquefied natural gas (LNG) ng Qatar.
Ito ay kasunod ng mga pag-atake ng Iran sa Ras Laffan Industrial City sa Qatar na nagdulot ng malaking pinsala sa mga pasilidad ng LNG, na nagkakahalaga ng tinatayang $20 bilyong na mawawalang kita taun-taon.
Ang pinsala ay nagpababa ng 17% sa kapasidad ng pag-luwas ng LNG ng bansa, na inaasahang aabutin ng 3 hanggang 5 taon para kumpunihin.
Napinsala ng mga pag-atake ang dalawa sa 14 na LNG train ng Qatar at isang gas-to-liquids (GTL) facility. Bunsod nito, nabawasan ng 12.8 milyong tonelada bawat taon ang produksyon ng LNG.
Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malaking pagtaas sa mga presyo ng enerhiya sa mundo dahil sa pagkaantala ng suplay mula sa Qatar.
----
Naniniwala si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi, na tanging si US President Donald Trump lamang ang may kakayahan para magkaroon ng kapayapaan sa mundo lalo ang krisis sa Gitnang Silangan.
Sa pagbisita nito sa White House ay kaniyang kinondina rin ang ginawa ng Iran.
Hiniling din ni Trump sa Japan na kung maari ay magpadala rin ng warship sa Gitnang Silangan.
Ilan sa mga tinalakay ng dalawang lider ay ang pagpapalakas ng alyansa ng US at Japan lalo na sa ekonomiya.
----
Kinumpirma ni US Secretary of Defense Pete Hegseth na kailangan nila ng pondo para tuluyang talunin ang Iran.
Sinabi nito na mayroong hanggang $200 bilyon na pondo para tuluyang manalo sa Iran.
Giit pa nito na marapat talaga na aprubahan ng US congress ang dagdag na pondo para hindi na magkaroon ng anumang negatibong epekto nito.
Ipinagmalaki din nito na maraming mga military facilities na ang nasira ng US at Israel dahil sa patuloy na pag-atake sa Iran.
Magugunitang pinagdedebatehan sa US Congress kung aaprubahan nila ang hiling na dagdag pondo para tuluyang wakasan ang giyera sa Iran.