Hinihikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanya sa pribadong sektor na magpatupad ng flexible work arrangements bilang tugon sa mataas na presyo ng langis.
Ito ay boluntaryo, nangangailangan ng kasunduan ng employer at empleyado, at hindi dapat magbawas ng sweldo o benepisyo.
Kabilang sa flexible work arrangement ang compressed workweek o apat na araw na pasok at mahabang oras, telecommuting (work-from-home), flexi-time, at rotation of workers.
Abiso naman ng DOLE na dapat i-report ng mga kumpanya sa ahensiya ang pag-adopt ng ganitong setup.
Nilinaw din ng Labor Department na dapat hindi mabawasan ang sahod at mga benepisyo ng mga manggagawa.
Ang naturang hakbang ay layuning makatulong sa mga empleyado na makatipid sa pamasahe at gastusin sa pagbiyahe.
**
Magmamahal ang pasahe sa eroplano mula Abril 1 hanggang 15, 2026, dahil itinaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge sa Level 8.
Ang mga domestic flight ay tataas ng ?253–?787, habang ang international flights ay maaaring tumaas ng hanggang ?6,200 dahil sa taas-presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Ang bagong singil sa domestic flights ay ilalapat sa mga ticket na ang biyahe o na-book ay mula Abril 1-15, 2026.
Ang pagtaas ay dulot ng pabago-bagong presyo ng jet fuel sa merkado, na nagtulak sa CAB na itaas ang surcharge mula Level 4 patungong Level 8.
Pinapayuhan naman ang mga pasahero na mag-book nang maaga upang maiwasan ang mas mataas na gastusin sa susunod na buwan.
**
Nilinaw ng Department of Justice na magkahiwalay na kaso ang patungkol sa reklamong sedisyon laban kay Vice President Sara Duterte sa kinakaharap nitong ‘impeachment’.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, walang magiging epekto ang ‘sedition case’ sa proseso ng pagdinig sa ‘impeachment complaint’ inihain kontra sa ikalawang pangulo.
Aniya’y ang ‘impeachment complaint’ at ‘crminal complaint’ ay magkaiba at hindi parehas ang isinasagawang proseso ng pagdinig.
Kung maaalala, sinampahan ng reklamong sedisyon at ‘grave threats’ si Vice President Sara Duterte ng National Bureau of Investigation noong 2025.
March 19 - 6 am NEWS
Mar 19, 2026 | 7:51 AM