Nangako ang Iran Army Chief ng “decisive retaliation” laban sa Israel matapos kumpirmahing napaslang ang kanilang top security chief na si Ali Larijani sa inilunsad na strikes ng Israel.
Si Larijani ang pinakamataas na opisyal ng Iran na napatay kasunod ng sinapit ni Supreme Leader Ali Khamenei. Malaki rin ang papel ni Larijani sa paghubog sa estratehikong mga desisyon ng Iran.
Sa isang statement, nagbanta si Iranian Army chief Amir Hatami na gaganti sila sa tamang oras at lugar sa tinawag nilang “criminal” na Amerika at “bloodthirsty Zionist regime”.
Ayon naman sa Revolutionary Guards ng Iran, na hiwalay sa army, naglunsad sila ng missiles sa central Israel bilang ganti sa pagkamatay ni Larijani.
---
Nagpasalamat si Ukrainian President Volodymyr Zelensky dahil sa patuloy na suporta ng United Kingdom.
Sa ginawang pagbisita nito sa UK ay nakaharap ng Ukrainian President si Prime Minister Kier Starmer at mismong si King Charles.
Sa talumpati ni Zelensky sa harap ng mga mambabatas ay sinabi nito na nagbenta ang Iran ng kanilang drone sa Russia na ito ang ginamit laban sa pag-atake sa Ukraine.
Mayroon ng mahigit 200 na mga military experts ang nasa Gitnang Silangan para tulungan na labanan nila ang Iran.
Matapos ang pulong kay Starmer ay hinikayat nito ang mga mamamayan na dapat ay tulungan na lamang ang Ukraine na labanan ang Russia imbes na makialam sa labanan sa Iran.
----
Nanindigan si US President Donald Trump na hindi na nila kailangan ang tulong ng ilang bansa sa Europa para talunin ang Iran.
Kasunod ito sa pagtanggi ng maraming lider sa Europa na hindi sila makikisawsaw sa giyera ng US at Israel sa Iran.
Giit ni Trump na ang desisyon ng ilang Europe leaders ay isang malaking katatawanan.
Ipinagmalaki rin ng US President na naging matagumpay ang pag-atake ng US sa Iran kung saan maraming mga military facilities ang kanilang nasira.