Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 1908 o ang Law Enforcement Body-worn Camera Act na nag-aatas sa mga law enforcement officer na magsuot ng body cameras sa kanilang mga opisyal na operasyon.
Ayon kay Deputy Majority Leader Joseph Victor “JV” Ejercito, layunin ng panukala na palakasin ang transparency at accountability sa hanay ng mga awtoridad sa sandaling maisabatas ito.
Sinabi rin ng senador na ang panukala ay magbibigay proteksyon hindi lamang sa mga sibilyan kundi pati na rin sa mga law enforcement habang nagsasagawa ng operasyon.
Dagdag pa niya, magsisilbing “impartial witnesses” ang mga body camera sa pagdodokumento ng mga operasyon ng pulisya.
**
Kinalampag ng labor group ang House of Representatives na agad ipasa ang panukalang batas na magtataas sa minimum wage sa ?1,200 sa buong bansa.
Nitong Lunes, nagmartsa patungo sa Kamara ang Kilusang Mayo Uno (KMU) para ipanawagan ito. Bitbit ng mga nagprotesta ang mga plakard na may nakasulat na “Sahod itaas, presyo ibaba!” at “Ipaglaban ang national minimum wage.”
Ayon kay Salvador Carranza ng National Federation of Labor Unions, hindi sapat ang kasalukuyang sahod ng mga manggagawa lalo na sa araw-araw na pamasahe at pang-araw-araw na gastusin ng pamilya sa gitna ng pagtaas ng mga presyo.
Ang iminungkahing ?1,200 “family living wage” ay batay sa pangangailangan ng isang pamilyang may limang miyembro upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
**
Inihayag ng International Energy Agency (IEA) na agad ilalabas ang mga strategic oil reserve sa Asya (Asia-Oceania) upang matugunan ang kakulangan sa suplay na dulot ng digmaan sa Middle East.
Ang mga reserbang langis ay iaalok agad sa mga bansa sa Asya upang palitan ang mga nawalang bariles ng langis dahil sa tensyon sa rehiyon.
Ito na ang pinakamalaking paglabas ng emergency reserves sa kasaysayan na sinang-ayunan ng mga miyembro ng IEA noong Marso 11, 2026.
Ang Japan ay nagpahayag na ring maglalabas sila ng nasa 80 milyong bariles ng langis mula sa kanilang emergency reserves.