Skip to content

March 16 - 8 am NEWS

March 16 - 8 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Mar 16, 2026 | 8:30 AM
Isinusulong ng  gobyerno ng Manitoba ang Bill 14 para palakasin ang proteksyon ng mga whistleblower sa pampublikong sektor. Ayon kay Adrien Sala, na siyang Public Service Minister ng Manitoba, layunin ng panukala na mabigyan ng seguridad ang mga empleyadong nagrereport ng maling gawain at ilagay sa employer ang burden na patunayan na walang ginawang paghihiganti. Saklaw nito ang mga empleyado ng provincial government, health authorities, at school divisions, kahit pa may mga non-disclosure agreements.
Ngunit ayon kay Pamela Forward, na presidente ng Whistleblowing Canada Research Society, bagama’t magandang hakbang ang Bill 14, limitado pa rin ito sa public sector at hindi protektado ang mga private-sector employees. Binanggit din niya ang problema sa wording ng batas na “good faith,” na maaaring maging hadlang para sa whistleblowers na magtagumpay sa kanilang claims.
Sa ilalim ng panukala, mas magiging malinaw at mas ligtas ang proseso para sa mga empleyado na gustong i-report ang maling gawain sa kanilang workplace.
**
Dumayo sa Niverville ang mga top collegiate volleyball teams mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa Canadian Collegiate Athletic Association Women's Volleyball National Championship.
Nagsimula ang week-long competition noong March 11 at magtatapos sa Sunday kung saan gaganapin ang gold at bronze medal matches. Kabilang sa mga local favourites ang Providence Pilots at Assiniboine Cougars.
Ayon sa Pilots player na si Tyra Peters, espesyal ang tournament dahil ito na ang huling pagkakataon para sa ilang graduating players na makalaro sa national stage. Sinabi naman ng head coach na si Kyle Guenther na malaking oportunidad ito para maipakita ang women’s volleyball program ng kanilang paaralan habang ramdam din ang malakas na suporta mula sa komunidad.'