Kinumpirma ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na naisumite na sa House Committee on Justice ang Consolidated Answer Ad Cautelam ni Sara Duterte nitong Lunes, Marso 16, 2026, bandang alas-4:30 ngayon hapon.
Ayon kay Ridon, ang paghahain ng dokumento ay bahagi ng legal na tugon ng Bise Presidente sa mga isyung sinusuri ng komite ng House of Representatives of the Philippines.
Ito ay isang uri ng sagot na inihahain nang may pag-iingat upang tugunan ang mga alegasyon habang pinananatili ang karapatan ng naghain na kuwestiyunin ang proseso o hurisdiksyon ng kaso.
Sa pamamagitan ng isinumiteng consolidated answer, inaasahang ilalahad ng kampo ni Duterte ang kanilang depensa at posisyon sa mga reklamo o usaping nakabinbin sa komite.
**
Isinagawa na ng Department of Justice ang unang preliminary investigation sa mga reklamong inihain ng Securities and Exchange Commission laban sa mga Villar at kumpanya.
Bagama’t ‘no show’ ang mga Villar sa naganap na pagdinig, humarap at inirepresenta naman sila ng kani-kanilang mga abogado ngayong araw.
Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong, iisa lamang ang nagsumite ng ‘counter-affidavit’ sa prosekusyon na si Garth Castañeda.
Ang iba naman ay hindi naghain ng kontra-salaysay sapagkat aniya’y ang mga ito’y nagpadala sa kanilang tanggapan ng ‘omnibus motion’.
**
Hiniling ng Petroleum Association of the Philippines na dapat ay pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapalago ng paggamit ng natural gas dahil sa banta ng pagtaas ng singil ng kuryente bunsod ng nagaganap na krisis sa Gitnang Silangan.
Dagdag pa ni PAP chairperson Donnabel Kuizon Cruz na ang mga locally produced na gas ay makakabawas sa demand ng bansa mga imported fuels.
Dahil dito ay may malaking matitipid ang bawat consumers.
Giit nito na mayroong kapasidad ang gobyerno para kausapin ang mga power generation companies at makatulong sa pagbawas ng presyo.