Skip to content

March 13 - 6 am NEWS

March 13 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Mar 13, 2026 | 6:30 AM

Sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang urgent ang panukalang batas na pinapayagan siyang isuspende o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sa sulat nito kay Speaker Faustino Dy III, na nakasaad na marapat na agad na maipasa ito dahil sa nararanasang krisis sa Gitnang Silangan.

Mahalaga na maipasa na agad ito para hindi na sumipa pa at maging stabilized na ang presyo ng krudo sa bansa.

Una ng naipasa ng House of Representatives ang panukalang batas sa ikalawang pagbasa noong Miyerkules.

Ang parehas din na panukalang batas sa Senado ay nakatakda na rin na aprubahan.

Ang urgent certification ng panukalang batas ay marapat na agad itong aprubahan sa final reading tatlong araw matapos na ito ay maipasa sa ikalawang pagbasa.

**

Hindi inaprubahan ng Senado ang hiling ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na magamit ng kaniyang pamilya ang Senate Mansion sa Baguio City.

Matatandaang sumulat si Sen. Bato kay Senate Pres. Vicente ”Tito” Sotto III para hilinging manatili ang kaniyang pamilya sa Senate Mansion para sa gaganaping CS AFP Cup shooting competition sa March 26-29, 2026.

Ayon sa liham na natanggap ng Office of the Senate Secretary sa parehong araw, gagamitin lamang umano ang mansion upang matuluyan ng pamilya ng senador.

Hindi naman nabanggit sa liham kung sasama rin si Dela Rosa sa nasabing aktibidad.

Gayunman, sinabi ni Senate Secretary Mark Llandro Mendoza na hindi maaaring pagbigyan ang kahilingan ng senador dahil kasalukuyan itong sumasailalim sa pagkukumpuni ang Senate Mansion.

**

Sisimulan na sa darating na Marso 17 ang pamamahagi ng P5,000 na fuel subsidy para sa mga public utility vehicle  drivers, habang isinusulong naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang paggamit ng digital distribution upang tuluyang alisin ang mahahabang pila sa pagkuha ng ayuda.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, unang makatatanggap ng nasabing tulong pinansyal ang mga tricycle driver sa Metro Manila.

Kukunin ang pondo para rito mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations  program ng ahensya, bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.