Nahaharap sa kaso ang dalawang katao matapos ang pagtapon nila ng hinihinalang bomba sa New York.
Nangyari ang insidente malapit sa bahay ni New York City Mayor Zohran Mamdani.
Kinilala ang mga suspek na sina Emir Balat, 18-anyos at Ibrahim Kayumi, 19-anyos kung saan nahaharap sila sa kasong transportation of explosive materials, unlawful possession of destructive devices at interstate transportation at pagtanggap ng pampasabog.
Sinabi ni NYPD Commissioner Jessica Tisch na isa sa mga suspek na si Kayumi ang umamin na nanood ito sa kaniyang cellphone ng propaganda ng ISIS kaya na-inspired ito sa ginawa niya.
Habang ang isa na si Balat ay umamin na nanumpa ito sa extremist group.
Magugunitang itinapon ng dalawang suspek ang pampasabog subalit bigo ang mga ito na pumutok kaya sila ay inaresto.