Sinimulan na ni Pope Leo XIV ang kaniyang official visit sa bansang Spain.
Sa kaniyang talumpati sa harap nina King Felipe VI at Queen Letizia sa Royal Palace sa Madrid, ay pinuri ng Santo Papa ang gobyerno dahil sa pagkontra nila sa giyera ganun din ang pagsuporta nila sa mga migrants.
Sinabi pa ng Santo Papa, na naging aktibo ang Spain sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa tao.
Sa pitong araw na pagbisita ng Santo Papa ay makaksalamuha niya ang mga biktima ng sexual abuse sa loob ng Simbahang Katolika.
Kasama rin ay titignan niya ang kalagayan ng mga migrants na lumipat sa Spain.
Magugunitang kabilang si Spain Prime Minister Pedro Sanchez na kontra sa pag-atake ng US at Israel sa Iran.
---
Kinondina ng Iran ang ginawang airstrike ng US sa kanilang mga radar at coastal sruveillance sites.
Tinawag nila ito bilang isang paglabag sa ceasefire deal sa pagitan ng US at Iran.
Ayon sa Foreign Ministry ng Iran, na tumama ang strike sa regions ng Sirik at Qeshm Island.
Depensa naman ng US Central Command, na ang pag-atake sa surveillance radar sites sa lugar ay para maiwasan ang anumang pag-atake sa mga barko na dumadaan sa Strait of Hormuz.
---
Naglunsad ang Ukraine ng malawakang pag-atake sa Russia.
Ayon sa Russian Army, na nasa mahigit 140 na drones ang pinakawalang Ukraine para atakihin ang St. Petersburg.
Isinagawa ang pag-atake habang nagaganap ang huling araw ng annual economic forum sa Russia.
Sa unang pagkakataon mula ng magsimula ang giyera ng mahigit apat na taon ay pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente na manatili lamang sa kanilang bahay.
Nagresulta rin ng malawakang sunog ang nasabing pag-atake sa isang military facility ng Russia.
Sinabi naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na kanilang tinarget lamang ang mga arsenals at naval base ng Russia kung saan tinawag lamang nila ang mga ito bilang kasagutan sa ginawang pag-atake ng Russia.
Ipinagmalaki pa ni Zelensky na kanilang natamaan din ang oil depot ng Russia na matatagpuan sa Krasnodar region.