Skip to content

June 8 - 7 am NEWS

June 8 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jun 08, 2026 | 8:48 AM

Inimbitahan ni Senator Alan Peter Cayetano si acting Senate President at Pro Tempore Sherwin “Win” Gatchalian sa isang pagpupulong para pag-usapan kung sino sa kanila ang tunay na pangulo ng Senado.

Ayon kay Cayetano, may naiisip siyang solus­yon sa isyu kahit sa tatlong libro na hawak niya ay siya pa rin ang lehitimong presidente ng Senado.

“I’ll offer you a solution, Senator Win. Mag-meeting tayo. May naiisip akong solusyon. Mahirap humanap ng solusyon kung sino ang tunay na Senate president kasi ‘yung tatlong libro na hawak ko ay nagsasabing ang legitimate Senate president ay ‘yung nahalal ng 13,” ani Cayetano sa isang Facebook livestream nitong Sabado.

Matatandaan na sa pagharap ni Cayetano sa isang press conference noong Huwebes, ipinakita nito ang kopya ng isang Bibliya, kopya ng Philippine Constitution, at kopya ng Rules of the Senate.

Sa huling araw ng sesyon ng Senado noong nakaraang linggo ay nagpakita sa plenaryo si Sen. Francis “Chiz” Escudero na naging dahilan upang magkaroon ng quorum dahil naging 12 ang nasa session hall.

Agad na ipinadeklara na bakante ang lahat ng posisyon sa Senado at naitalang Senate President Pro Tempore si Gatchalian na tumatayo ring acting ­Senate President.

Una nang kinilala ng mga pangunahing law schools, legal institutions, Malacañang, at Integra­ted Bar of the Philippines (IBP) ang bagong pamumuno ni cting Gatchalian kasunod ng kanyang pagkakahalal noong Hunyo 3.

---

Nanganganib na mawalan ng trabaho ang may 35,000 senior high school teacher dahil sa Strengthened Senior High School Curriculum ng Department of Education (DepEd).

Ito ang ibinabala ni ACT Teacher Party-list Rep. Antonio Tinio nitong Lunes, kasabay ng pagsisimula ng School Year (SY) 2026-2027 sa pampublikong paaralan, kung saan may bagong curriculum ang Senior High School.

Ayon sa mamba¬batas, magiging lima na lamang ang core subject ng senior high school mula sa dating 15 dahil sa bagong curriculum na ito ng DepEd na sinusunod din ng mga private school sa bansa.

“This threatens to displace approximately 35,000 senior high school teachers in private schools with no government protection or retraining plans,” paliwanag ni Tinio

Nababahala rin ang mambabatas sa kalagayan ng mga public school teachers dahil lalong bibigat umano ang trabaho ng mga ito.

Sinabi ng mamba¬batas na 150,000 ang bakanteng teaching position ngayong school year kaya ang trabaho ng mga ito ay sasaluhin ng mga guro na dagdag na pasanin sa kanila. (Bernard ¬Taguinod)