Skip to content

June 5 - 8am NEWS

June 5 - 8am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jun 05, 2026 | 8:30 AM

Naglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor.

Inatasan si Defensor na humarap sa NBI sa darating na Hunyo 10.

Bahagi ito ng imbestigasyon tungkol sa isang testimonya na sinuhulan diumano ni Defensor ng tig-P5 milyon ang 18 “ex-Marines” para tumestigo sa flood control scandal.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ang indibiduwal na nagbigay ng testimonya ay partner ng anak ng isa sa 18 umano’y dating Marines.

Bukod kay Defensor, nag-isyu rin ang NBI ng subpoena sa umano’y dating Marine.

Nauna nang itinanggi ng “ex-Marines” na tumanggap sila ng tig-P5 milyong suhol para tumestigo sa flood control scandal. (Issa Santiago)

**

Nagpaalala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng iba’t ibang online platforms kasabay sa mga kaganapan at isyu sa Senado. 

Paalala ng ahensiya na suriin maigi ang mga nababasa o nakikitang impormasyon at panatilihin pagiging responsable sa anumang ibinabahaging ‘contents’ online. 

Anila’y patuloy silang nakabantay sa mga nangyayari kung saan kanilang namonitor ang ilang diskusyon at aktibidad ng mga gurpo sa iba’t ibang digital platforms nag-uudyok para magsagawa ng kilos-protesta hinggil sa makaraan pagbabago ng liderato sa Senado. 

Kung kaya’t hinimok ng naturang ahensiya ang mga Pilipino na ipairal ang pag-iingat lalo na sa mga impormasyon hindi beripikado na layon lamang iligaw o lituhin ang publiko at palalain ang tensyon sa pulitika. 

Ayon kay Undersecretary Renato ‘Aboy’ Paraiso, ang ‘cyberspace’ ay