Skip to content

June 5 - 6am NEWS

June 5 - 6am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jun 05, 2026 | 6:30 AM

Biniberipika na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ulat na namataan si Senador Ronald dela Rosa sa isang yate patungo sa hindi tinukoy na probinsiya.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, maaaring layunin ng ganitong ulat na lituhin ang mga awtoridad na nakatoka para arestuhin ang senador.

Ito ay sa gitna ng kinakaharap nitong arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) may kaugnayan sa kaniyang naging papel sa madugong war on drugs ng Duterte administration.

Sinabi ni Matibag na maaaring nililigaw lamang sila.

**

Nilinaw ni Sen. Erwin Tulfo na ang naganap na pagtitipon sa plenaryo ng Senado noong Hunyo 4 ay hindi maituturing na pormal na “hearing” kundi isang “forum” lamang na pinangunahan ni Sen. Rodante Marcoleta.

Ayon kay Tulfo, hindi naitala o na-record ang naturang talakayan kaya’t hindi ito saklaw ng opisyal na proseso ng Senado.

Dagdag pa niya, mas nararapat na dumalo ang mga kasangkot sa opisyal na pagdinig ng Blue Ribbon Committee na nakatakdang isagawa sa Lunes, Hunyo 8, 2026.

Sa naturang hearing, inaasahang muling ipapatawag ang 18 dating miyembro ng Philippine Marines upang sagutin ang mga tanong na hindi natalakay sa forum, kabilang ang mga pangalan nina Senadora Loren Legarda at Senador Mark Villar na nakasaad sa mga affidavit ngunit hindi nabanggit sa testimonya.