Skip to content

June 30 - 8 am NEWS

June 30 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jun 30, 2026 | 10:18 AM

Dumating na sa Qatar ang kinatawan ng US subalit hindi sila magkakaroon ng pagpupulong sa ilang opisyal ng Iranian.

Ayon sa Foreign Ministry ng Qatar, nasa kanilang bansa sina US envoys Jared Kushner at Steve Witkoff.

Ang dalawa ay makikipagpulong sa mga mediators kung saan tatalakayin ang kasalukuyang nagaganap na negosasyon.

Kasama na rin dito ang hindi pa paglipat ng nasa $6 bilyon na frozen asset ng Iran sa Tehran.

Magugunitang nagkaroon ng bahagyang kasunduan ang US at Iran kung saan may ilang mga bahagi ng usapin ang kanilang mga napagkasunduan.

---

Aabot sa anim na katao ang nasawi matapos ang isang pamamaril sa isang youth welfare center, sa lungsod ng Stade Germany.

Nangyari ang pamamaril bandang alas-12:10 ng tanghali (local time) sa Dankersstrasse, sa kanlurang bahagi ng Hamburg.

Ayon sa pulisya, kabilang sa mga nasawi ang apat na babae at dalawang lalaki, na pawang mga nasa hustong gulang.

Ang isa sa mga biktima ay namatay habang ginagamot sa ospital.

Dalawang tao ang naaresto, kabilang ang pinaghihinalaang salarin.

May isa pang indibidwal na iniimbestigahan kaugnay ng insidente.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaril.

Nananatiling nakasarado ang lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pinangyarihan ng krimen.

Nilinaw naman ng pulisya na wala nang banta sa kaligtasan ng publiko sa lugar.