Naglabas ng forecast ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang inflation para sa Hunyo 2026 ay inaasahang nasa pagitan ng 6.0 hanggang 7.0 porsyento.
Ayon sa BSP, makatutulong sa pagbaba ng inflation ang pagbaba ng presyo ng domestic oil at ilang pangunahing pagkain gaya ng bigas at karne.
Gayunpaman, inaasahan ding tataas ang singil sa kuryente at presyo ng gulay na maaaring magpataas muli ng inflation.
Nanatiling mapagbantay ang BSP at patuloy na susubaybayan ang mga bagong datos hinggil sa inflation at growth prospects.
Dagdag pa ng BSP, binabantayan din nila ang mga kaganapan sa Middle East na maaaring magdulot ng epekto sa presyo ng langis at sa kabuuang ekonomiya.
Batay sa datos ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), nananatiling mataas ang inflation ngayong taon ngunit inaasahang bababa sa 4%–5% sa 2027, bago tuluyang bumalik sa target na 2%–4% band ng BSP sa 2028.
---
Iniulat ng Department of Health (DOH) na 55 kaso pa lamang ng mpox ang naitala sa bansa mula Enero 4 hanggang Hunyo 13 ngayong taon.
Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Albert Domingo, mas mababa ito ng 79 porsiyento kumpara sa 205 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Binigyang-diin ng DOH na walang outbreak o pagtaas ng bilang ng mga kaso ng mpox sa bansa sa kasalukuyan.
Dagdag pa ng ahensya, hindi nito isinasapubliko ang detalye ng bawat kaso upang maiwasan ang stigma at mapangalagaan ang privacy ng mga pasyente.
Sa halip, ang mga lokal na pamahalaan ang nagbibigay ng kaukulang abiso sa publiko tungkol sa mga kaso sa kanilang nasasakupan.
Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng pagkumpirma ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa isang kaso ng mpox, kung saan agad na nagsagawa ng contact tracing at iba pang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Albert Domingo, mas mababa ito ng 79 porsiyento kumpara sa 205 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Binigyang-diin ng DOH na walang outbreak o pagtaas ng bilang ng mga kaso ng mpox sa bansa sa kasalukuyan.
Dagdag pa ng ahensya, hindi nito isinasapubliko ang detalye ng bawat kaso upang maiwasan ang stigma at mapangalagaan ang privacy ng mga pasyente.
Sa halip, ang mga lokal na pamahalaan ang nagbibigay ng kaukulang abiso sa publiko tungkol sa mga kaso sa kanilang nasasakupan.
Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng pagkumpirma ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa isang kaso ng mpox, kung saan agad na nagsagawa ng contact tracing at iba pang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.ch