Skip to content

June 25 - 7 am NEWS

June 25 -  7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jun 25, 2026 | 8:44 AM

Inilabas na ng Prosecution Team sina Mary Grace Piattos at Atty. Michael Westly Poa bilang kanilang witness sa paglustay umano ni Vice President Sara Duterte sa kanyang confidential funds.

Ito ang nilalaman ng pre-trial brief ng prosecution team na kabilang sa mga minarkahan sa Pre-Trial Conference sa Clerk of Court.

Base sa kopya ng 57 pre-trial brief ng Prosecution Team na nilagdaan ng 11 prosecutors, nakalista si Mary Grace Piattos bilang ika-25 na witness ng mga ito na ihaharap sa Impeachment trial para sa confidential funds article.

Si Mary Grace Piattos ang pinaka-popular na recipient ng confidential funds ni Duterte dahil kapangalan na ito ang kilalang bakery at tsitsirya.

“To testify on their alledged receipt of confidential funds,” inilagay na dahilan ng Prosecution Team kung bakit inilitas ng mga ito bilang kanilang witness si Mary Grace Piattos sa confidential funds article.

Sa kabuuan, 27 ang magiging witness ng prosecution team sa confidential funds article kabilang na si Poa na tauhan ni Duterte sa Departmnt of Education (DepEd) at kabilang sa Defense team ngayon ng pangalawang pangulo.

“To testify on the DepEd;s response to COA audit findings and his procurement and submission of supporting documents despite having no personal knowledge of confidential fund expenditure,” ang dahilan naman ng Prosecution team kung bakit nilang maging witness ng mga ito si Poa.

Kabilang sa mga witness ng prosecution team sa nasabing kaso sina Ramil Madriaga, Col. Raymund Dante Lachica at Lt. Col. Dennis Nolasco na mga security officials ng pangalawang pangulo sa Office of the Vice President (OVP) at DepEd.

---

Maaaring kailanganing muling suriin ang Juvenile Justice Law bunsod ng mga nagdaang mararahas na insidenteng kinasasangkutan ng mga menor de edad, kabilang ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City noong Lunes, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkoles.

Ani Lacson, dapat mu¬ling talakayin ang mga probisyon ng batas hinggil sa pananagutang kriminal, kung saan hindi dapat awtomatikong maging dahilan ang edad upang makaiwas sa pananagutan ang mga nagkasala. Binanggit niya ang karu-mal-dumal na pagpatay sa isang dalawang taong gulang na bata sa England noong 1993.

Nitong nakaraang Lunes, tatlo ang nasawi at ilan pa ang nasugatan matapos magpaputok ng ilang beses ang dalawang lalaking estudyante na may edad 14 at 15 sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City.

Isa sa kanila ang iniulat na gumamit ng 9mm na pistola na pag-aari ng kanyang tiyahin na isang police staff sergeant. Ang isa naman ay gumamit umano ng isang cal. 38 revolver na nakarehistro sa isang security agency na nakabase sa Cebu kung saan sinasabing nagtatrabaho ang kanyang lolo.

Ayon sa mga imbestigador ng pulisya, pinagplanuhan umano ng dala¬wa ang pag-atake noon pang Mayo 1, at tinalakay pa ang Juvenile Justice and Welfare Act habang pinaplano ang pamamaril.

---

Pabor si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na higpitan o i-ban ang mga marahas na online gaming sa mga kabataan lalo na sa mga menor de edad upang maiwasang gumawa ng karahasan ang mga ito.

Sa harap na rin ito ng ilang insidente ng karahasang nangyari sa mga eskuwelahan sa pagsisimula ng klase nitong Hunyo.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, napag-usapan na ang posibilidad na higpitan ang access ng mga kabataan sa online gaming dahil nagiging marahas ang mga ito lalo na yaong nagumon sa laro.

“Napag-usapan na po na ang mga ganoong klaseng app ay dapat ma-ban sa Pilipinas,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na sana ay agad kumilos ang Kongreso at makagawa ng batas na magbabawal sa mga menor de edad na magkaroon ng access sa mga mararahas na online gaming apps. (Aileen Taliping)