Hinikayat ni Senador Erwin Tulfo si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na pumasok na sa Senado at magtrabaho.
“Pasok na lang kayo, sir. Tulad po ng kapatid ninyo, pumasok na last week at iyong mga kasamahan,” wika ni Tulfo sa isang television interview.
“Pasok po kayo para may Senate minority leader. Mas maganda kapag dito tayo magdiskurso at ‘wag na sa Facebook,” giit pa niya.
Noong nakaraang linggo, inakusahan ni Cayetano si Erwin Tulfo na tuta umano ni Senador Panfilo Lacson.
Ang paratang ni Caye¬tano kay Tulfo ay hindi pinalagpas ni Lacson, bagaman naaawa ito na baka bumigay umano ang una.
“Kawawa naman. Kung ano-ano na ang sinasabi. Parang malapit nang bumigay. Sana hindi tulu¬yang mag-meltdown,” diin ni Lacson.
Nauna nang sinabi ni Lacson na malaki ang nasayang na pera sa maikling panahon na na¬ging Senate president si Ca¬yetano.
---
Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaligtasan ng lahat ng mga paaralan, opisina at mga establisimyento upang hindi maulit ang trahedya ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ikinalungkot ng Pangulo ang malagim na insidente kaya ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon at pagbibigay proteksiyon sa mga estudyante, mga guro pati na ang mga pribadong indibidwal.
Kahit sino ay makakaramdam aniya ng takot para sa kanilang kaligtasan at ang mga magulang ng biktima ay makakaramdam ng lungkot at takot.
“Ikinalulungkot ng Pangulo ang pangyayari. Kahit sino pa man lalo na ang magulang ng mga biktima ay makakaramdam ng lungkot at takot,” ani Castro.
Sa naganap na insidente ay tatlong estudyante ang nasawi habang 15 naman ang nasugatan.
Nasa kustodiya ng Tacloban City Police ang dalawang suspek edad katorse at kinse. (Aileen Taliping)