Isusulong ni Senador Erwin Tulfo ang isang panukala upang hindi pasuwelduhin ang mga opisyal ng gobyerno na absent sa trabaho.
Sasakupin ng panukalang batas ang pangulo, bise presidente, senador, congressman, iba pang halal na opisyal ng gobyerno, cabinet secretaries at department heads.
“Nakakahiya naman na ‘’yung mga tao namin o ordinaryong government employee ay walang suweldo kapag absent pero kami na mga opisyal maski ilang linggo o buwan na absent, may suweldo?” ani Tulfo.
Kasama sa panukala ni Tulfo ang hindi pagbibigay ng mga allowance sa mga opisyal na absent without proper leave.
Anang mambabatas, “nakasanayan na at walang sumisita kahit na absent pero sumasahod. Dahil high ranking opisyal, sino ang maninita sa amin, ‘di ba?” (Dindo Matining)
---
Nabigo umanong maitulak ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagtatagal ng pre-trial proceedings matapos harangin ng House prosecution panel, sa pangu¬nguna ni Batangas Rep. Gerville “Jinky” Luistro, ang mga hakbang na maaaring magpalawig sa proseso bago magsimula ang impeachment trial sa Hulyo 6.
Ayon sa isang source, pinagdebatehan sa pre-trial conference ang pagtatangka umano ng depensa na palawakin pa ang mga stipulations o mga bagay na maaari nang pagkaisahan ng magkabilang panig.
“The Defense team tried to prolong, the prose¬cutors led by Cong Jinky, objected,” ayon sa isang source na may direktang kaalaman sa naging talakayan.
Sa huli, ayon sa mga source, nakuha ng prose¬cution panel ang nais nitong limitahan lamang ang mga stipulation sa mga kinakailangan upang hindi na humaba pa ang proseso.
Lumalabas ngayon na taliwas sa ilang social media posts at political narratives na nagsasabing napahaba umano ng depensa ang pre-trial conference.
Sa katunayan, ayon sa mga source, matagumpay na napigilan ng prosecution ang anumang hakbang na maaaring magresulta sa dagdag na pagkaantala ng trial proper.
“Prosecs got what they wanted,” ayon naman sa isa pang source.
Ang pre-trial conference ay bahagi lamang ng paghahanda para sa mismong impeachment trial at layunin nitong paliitin ang mga isyung pagtatalunan at ayusin ang presentasyon ng mga ebidensiya at testigo.
Napansin din umano ng prosecution panel na malaking bahagi ng mga dokumento at testigong inilista ng depensa ay katulad ng mga nakalista na rin ng House prosecutors.
Dahil dito, umani ng pagtutol mula sa prosecution ang ilang bahagi ng pre-trial submissions ng depensa.
---