Humiling ang House prosecution panel sa Senate impeachment court ng 62 trial dates para maiprisinta ang kanilang mga ebidensya at saksi sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., nakabatay ang kahilingan sa dami ng mga saksi at ebidensyang nakalista sa kanilang pre-trial brief. Samantala, 30 trial dates lamang ang hinihingi ng kampo ng depensa o kampo ni VP Sara.
Nilinaw naman ni Tolosa na hindi nangangahulugang aabot ng 62 araw ang paglilitis dahil maaaring paikliin ito kung papayagan ng korte ang pagdinig ng higit sa isang saksi kada araw.
Sinabi rin niya na may 97 saksi ang nakalista ng depensa, kabilang ang 51 saksi na kapareho ng nasa listahan ng prosekusyon.
Bukod dito, 248 sa 276 ebidensya ng prosekusyon ang kasama rin sa mga ebidensyang isinumite ng depensa.
Hindi papasuwelduhin ang mga matataas na opisyal ng gobyerno kapag ito ay absent nang walang malinaw na dahilan.
Ito ang nilalaman ng panukalang batas na isusulong ni Senador Erwin Tulfo.
Sa isang panayam, sinabi ng Senador na kasama sa kanyang panukalang batas ang pangulo, bise-presidente, senador, congressman, other elected officials, cabinet secretaries, at department heads.
“Nakakahiya naman na yung mga tao namin o ordinaryong government employees ay walang sweldo kapag absent, pero kami na mga opisyal maski ilang linggo o buwan na absent, may sweldo?” ani Sen. Tulfo.
Kasama sa panukala ni Tulfo ang hindi pagbibigay ng mga allowances sa mga opisyal na absent without proper leave.
Anang mambabatas, “nakasanayan na at walang sumisita kahit na absent pero sumasahod. Dahil high ranking opisyal, sino ang maninita sa amin di ba?”
“Dapat pantay-pantay–ordinary employee o high ranking man, no work, no pay ang lahat,” saad ng neophyte na senador.
Matatandaan na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay nag- absent sa senado ng anim na buwan pero patuloy na sumasahod.
Inilunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang one-time Tax Abatement Program para sa mga micro taxpayers upang matulungan silang ayusin ang kanilang delinquent accounts at makapagsimula muli nang walang mabigat na pasanin.
Saklaw ng programa ang mga negosyong may taunang benta na hindi lalampas sa P3 milyon at may tax liabilities na hindi tataas sa P80,000.
Ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring mag-avail hanggang Disyembre 31, 2026.
Ayon kay Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, layunin ng programa na suportahan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas madali ang pagsunod sa buwis at gawing mas accessible ang serbisyo ng pamahalaan.
June 22 - 6 am NEWS
Jun 22, 2026 | 8:43 AM